Magdyowa binugbog nang bawiin ang bayad sa lupa

Magdyowa binugbog nang bawiin ang bayad sa lupa, dumulog sa ‘CIA with BA’

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 04:38 PM

Magdyowa binugbog nang bawiin ang bayad sa lupa, dumulog sa 'CIA with BA'

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

ISA na namang kaso ang hinarap ng “CIA with BA” na maaaring nangyayari rin sa karamihan.

Sa segment na “Payong Kapatid” sa episode nitong Linggo, February 11, dumulog ang magkasintahan na sina Michelle at Jonalyn upang humingi ng tulong tungkol sa kung ano ang kanilang dapat gawin pagkatapos makaranas ng pambubugbog mula sa binilhan nila ng lupa.

Nangyari ang insidente matapos nilang malaman na mayroon pa palang orihinal na may-ari ang lupa at ninais na nilang bawiin ang kanilang naibayad.

Ayon sa dalawa, nailahad na rin nila sa kanilang barangay ang pangyayari ngunit lumapit pa rin sila sa programa para kumpirmahin ang kanilang susunod na aksyon, lalo na sa paghahain ng kaso dahil sa kanilang dinanas.

Baka Bet Mo: Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O’Brian

“Ang barangay ay may jurisdiction kung pareho kayong tagaroon,” paliwanag ng host ng programang si Sen. Alan Peter Cayetano.

“Secondly, ‘yung conciliation kung tawagin or, I don’t mean it in a negative way, in a positive way ‘yung pag-aaregluhan o pakikipag-ayos. ‘Yan ay kailangan mag-agree lahat ng parties,” pagpapatuloy pa niya.

“Pangatlo, kapag mayroon kayong agreement sa barangay, hindi na kayo pupunta sa korte,” aniya.

Kwento pa nina Michelle at Jonalyn, hindi sila makakilos nang maayos dahil kailangan nilang magpa-check up sa doktor at magpagamot, na siya ring payo ni Alan na kanilang unahin.

“Nakakalungkot ‘no? Imagine kung nagkakontratahan tayo tapos nauwi sa sakitan, ang sakit,” saad naman ni Sen. Pia Cayetano.

“But that’s our job, to dissect kung ano ‘yung dapat gawin. At ‘yung sinasabi nga natin, ‘yung kapakanan ng nagcomplain, magpatingin sa doktor dahil baka naman may physical na talagang kailangan ipa-check.

“I’m so happy na nagtiwala sila to come to us because naging source of information,” sabi pa ng senadora.

Ibinahagi naman ni Tito Boy Abunda na patuloy na bukas ang programa para sa panig ng kabilang partido.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending