DNA test reveal sa 'CIA with BA': Lalaki ayaw tanggapin ang anak

DNA test reveal sa ‘CIA with BA’: Lalaki ayaw tanggapin ang anak

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

DNA test reveal sa ‘CIA with BA’: Lalaki ayaw tanggapin ang anak

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 12:57 PM

DNA test reveal sa 'CIA with BA': Lalaki ayaw tanggapin ang anak

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

DUMULOG si Catherine sa “CIA with BA” upang ireklamo si Mike, ang kanyang ex-partner na itinatanggi ang pagiging ama sa kanilang 1-year-old na anak.

Ibinahagi ng dalawa ang kani-kanilang panig sa segment na “Case 2 Face” sa episode nitong Linggo, February 4.

Ayon kay Catherine, nahulog ang kanyang loob kay Mike kahit na siya ay mas nakatatanda. Nang siya ay mabuntis, hindi ito madaling tinanggap ni Mike.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas mas lalo pang ginanahang tumulong matapos tanggapin ang IVR award sa The EDDYS; balik-pelikula sa 2023

Giit ng lalaki, imposible umano niyang maging anak ang batang dinala ni Catherine sa kanyang sinapupunan dahil nanganak ito sa kanyang ikawalong buwan.

Para matulungan silang makumpirma ito, ipina-DNA test sila ng “CIA with BA”, sa tulong ng mga eksperto.

Bago malaman ang resulta, binasa ng host ng programa na si Sen. Pia Cayetano ang mga alituntunin bilang mga magulang base sa Article 220 ng Family Code.

Kabilang dito ang pag-aaruga, pagmamahal at pagbibigay suporta sa bata, pagtuturo sa kanila ng mabubuting asal, pagpoprotekta sa kanila mula sa anumang kapahamakan, pagbuo ng mahahalagang desisyon para sa kanila, pagdidisiplina kung kinakailangan, at pagsunod sa batas.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon umaasang makakapiling pa rin ang beauty queen

Matapos nito ay binasa na rin ni Pia ang resulta na nagsasabing may 99.999999% na probabilidad na si Mike nga ang ama ng anak ni Catherine.

Dito naiyak na si Catherine at tila nakahinga nang maluwag. Tinanggap naman ni Mike ang responsibilidad ngunit aniya’y kailangan pa niya itong iproseso.

Nangako naman ang “CIA with BA” na tutulong sa pagharap nila sa bagong yugto ng kanilang buhay.

“Sometimes, we hold on to something. Pero ‘pag hindi mo binitawan, hindi mailalagay ‘yung mas mabuti para sa ‘yo,” saad ng isa pang host ng show na si Sen. Alan Peter Cayetano sa pagtatapos ng episode.

“If you’re holding on to something na tingin mo ‘yan ‘yung absolute kaligayahan, pero nakikita mo [rin] na parang hindi, bitawan mo. Baka ‘yung para sa ‘yo ay makikita mong eto talaga ‘yung para sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing 11 ng gabi sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending