Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O'Brian | Bandera

Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O’Brian

Therese Arceo |February 04,2023
facebook
share this

Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O’Brian

Therese Arceo - February 04, 2023 - 05:46 PM

Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O'Brian

INAMIN ng Kapuso actress at comedienne na si Pokwang na dumulog na sila sa abogado dahil sa mga bagay na nais niyang linawin at bawiin sa dating partner na si Lee O’Brian.

Sa kanyang interview sa “Tonight With Boy Abunda” ay nilinaw niyang wala siyang balak kasuhan ang dating partner bagkus nais lang niyang bawiin ang kanyang YouTube at iba pang social media accounts na gamit nila noong magkasama pa sila.

“Meron po kaming mga gustong bawiin na, like yung YouTube channel namin. Siya po kasi ang nagmo-monetize nun, siya po ang nagha-handle,” saad ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Ang feeling ko, dapat mabawi na namin yon. Hindi po kami nag-file ng case.”

Sinabi rin ni Pokwang na ang pagkonsulta nila sa abogado ay para rin ayusin ang kustodiya ng anak nilang babae ni Lee na si Malia.

“Inaayos lang po yung sa custody ng bata at saka yung dapat naming mabawi na lang, yung YouTube channel at saka yung social media.

“Saka yung iano namin kay Malia kasi, sa totoo lang, five years kang [Lee] hindi nag-aabot, alam mo yan. Pero nanahimik ako… nanahimik ako,” pagkukwento ni Pokwang.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinunyag na ng Kapuso actress ang maging tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee.

Lahad ni Pokwang, napilitan siya noong magsinungaling at itago sa publiko ang katotohanan patungkol sa kanilang relasyon ngunit dumating na siya sa puntong kinailangan na niyang pakawalan ito dahil mismong anak na niya ang nagsabi sa kanyang may ibang kinikitang babae si Lee.

Doon nga daw siya natauhan at minabuti na ngang paalisin na sa kanilang pamamahay ang dating partner dahil ayaw na rin niyang umabot sa puntong makikita silang nagsisigawan ng kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Tila ang interview kay Tito Boy na rin ang nagsilbing closure ng komedyana sa kabanata ng buhay niya kasama si Lee dahil may Instagram post ito patungkol sa pagsisimulang muli.

“Done!!! I’ts time to fly high and be happy again with my true Love,” saad ni Pokwang sa caption.

May pa-hashtag pa nga itong “#restartournewlife” at “#behappyagain”.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Lee O’Brian hinggil sa isyung kinakaharap.

Related Chika:
Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending