‘Edna’ nina Irma Adlawan at Ronnie Lazaro isang babala raw sa pamilya ng mga OFW | Bandera

‘Edna’ nina Irma Adlawan at Ronnie Lazaro isang babala raw sa pamilya ng mga OFW

Ervin Santiago - April 19, 2015 - 01:00 AM

irma adlawan

Graded A ang OFW movie na “Edna” na pinagbibidahan ng magaling na character actress na si Irma Adlawan, na kilalang-kilala na ngayon asawa ni Joey Marquez at nanay ni Liza Soberano sa Primetime Bida series na Forevermore sa ABS-CBN.

Pinuri-puri ng mga taga-Cinema Evaluation Board ang “Edna” dahil sa tema at magagaling na performance ng mga artistang kasali rito, lalo na si Irma na gumaganap bilang si Eda, isang OFW sa kuwento na dumanas ng napakaraming pagsubok sa buhay.

Ang “Edna” ay tumatalakay sa kakaibang kuwento ng isang OFW na napilitang iwan ang pamilya para magkaroon ng magandang buhay, at ang psychological effect ng mga kaganapan sa kanyang pamilya pagbalik niya ng bansa.

“Kakaiba at matapang ang pelikula at kung may kapamilya kang isang OFW, magdadalawang-isip kang manood ng Edna,” sabi ng isang nakapanood na ng pelikula nang maging entry ito sa Cinemalaya Film Festival.

Ito rin ang first directorial job ng award-winning actor na si Ronnie Lazaro, na gumanap din bilang asawa ni Irma sa movie. Si Ronnie ang nag-conceptualize ng istorya ng Edna at mula sa script ni Lallie Bucoy.

Kasama rin dito sina Allan Paule, Nico Manalo, Sue Prado, Frances Makil, Mara Marasigan, Micko Laurente, Kiko Matos at marami pang iba.

Sobra-sobra nga ang pasasalamat ni Ronnie dahil sa kanya ipinagkatiwala ng producer na si Tonet Gedang ang proyekto sa ilalim nga ng Artiste Entertainment kahit na nga wala pa siyang maipagmamalaking obra bilang direktor.

“Naniniwala ako na nakagawa kami ng isang magandang pelikula at sana maging eye opener ito sa mga Pinoy at umaasa ako na may maituturong aral ang kuwento ng ‘Edna’ tungkol sa trabaho, sakripisyo at pamilya,” ayon kay Ronnie.

Ang “Edna” ay magkakaroon ng special screening sa Metropolitan Museum sa April 28, sa Instituto Cervantes sa May 9 na dadaluhan ng mga piling diplomats, member ng press, at ilang government agencies.

Ipalalabas din ito sa ilang unibersidad: sa Adamson University sa April 22, at sa UP Los Baños sa April 30.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending