Tanong ni Angel sa amang si Angelo Colmenares: Sino sa mga ex ko ang pinakaayaw mo? | Bandera

Tanong ni Angel sa amang si Angelo Colmenares: Sino sa mga ex ko ang pinakaayaw mo?

Ervin Santiago |March 06,2022
facebook
share this

Tanong ni Angel sa amang si Angelo Colmenares: Sino sa mga ex ko ang pinakaayaw mo?

Ervin Santiago - March 06, 2022 - 12:50 PM

Angel Locsin at Angelo Colmenares

ALIW na aliw ang mga netizens at ang mga supporters ng Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin sa bagong content na ipinost niya sa kanyang YouTube channel.

For the very first time kasi ay naging special guest ni Angel sa kanyang vlog ang pinakamamahal na amang si Angelo Colmenares na in-upload last March 5.

Ito’y bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng ika-95 kaarwan ng tatay ni Angel na patuloy pa ring lumalaban para mas mahaba pa ang ilagi sa mundo para makasama ang pamilya.

Game na game na sumalang sa hot seat si Ginoong Angelo kung saan sinagot niya ang ilang maiintrigang tanong ng anak.

Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Angel kung may ex-boyfriend ba siyang hindi nagustuhan ng ama.

“Sino sa mga naging ex ko ang pinakaayaw mo?” ang diretsong tanong ni Angel sabay turo sa hawak niyang cue card, “Nandito, ha! Nakalagay. Ayokong tanungin ito, ha! Huwag kang magalit.”

Hindi ito sinagot ni Mang Angelo dahil, “Nakalimutan ko na ang pangalan.”

Sa mga hindi pa aware, ilan sa mga naging karelasyon ng actress-TV host ay sina Luis Manzano, Phil Younghusband, Oyo Sotto at ang pumanaw na aktor na si Miko Sotto.

Kasunod nito, tinanong din ni Angel kung ano ang naging reaksiyon ni Ginoong Angelo nang mag-propose na ang asawa niyang si Neil Arce sa kanya noong 2019.

Sey ng aktres, ang natatandaan lang niya ay ang kuwento ni Neil na isang linggo bago mag-Father’s Day” ay kinausap ni Neil nang masinsinan ang kanyang ama.

Ang akala pa raw ni Ginoong Angelo noon ay may “business proposal” si Neil kaya siya kakausapin nito dahil seryosong-seryoso raw ito nu’ng magharap sila.

Nagpaliwanag naman ang sister ni Angel na si Ella tungkol sa naganap na marriage proposal ni Neil, anito, maligaya naman daw ang kanilang ama dahil finally ay natagpuan na ng anak si Mr. Right na maaaring makasama na nito forever.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


Ang sey daw ni Ginoong Angelo sa anak, “First of all, I want you to be in good hands and nasa age ka na.”

Sundot na question ni Angel, “Anong lesson tungkol sa pag-ibig ang puwede mong ibigay a akin?”

“Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other every day and put Christ in the center of your life,” ang tugon ni Mang Angelo.

Noong June 29, 2019 nang ibandera nina Angel at Neil ang kanilang engagement habang noong February, 2018 nanan nang kumpirmahin nila sa publiko kanilang relasyon.

Noon ngang June, 2019 ay nag-propose na si Neil kay Angel at pagsapit ng July 26, 2021 ay  ikinasal sila sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Taguig City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang susunod namang inaabangan ng madlang pipol ay ang pagbubuntis ni Angel kaya wait na lang tayo kung kailan magkakaroon ng little Angel at little Neil.

10 miyembro ng pamilya ni Angel tinamaan din ng COVID; bakit binura ang IG post tungkol sa ama?

Anti-vaxxer na dad ni Angel, pumayag magpabakuna dahil sa isang kwento

Tatay ni Angel tinamaan din ng COVID-19: It’s been a week of feeling helpless…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending