SPEEd Outreach 2024 umabot na sa Nueva Ecija at Aurora
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa nitong taunang outreach program.
Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon.
Dumalaw at nagbigay ng cash donation ang SPEEd, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at Pang Masa), sa isang parokya sa Nampicuan at sa isang barangay sa Dingalan, Aurora.
Baka Bet Mo: Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: ‘Bigyan na ng projects yarn!’
Katuwang ng grupo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang misyon na ito ang Beautéderm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan, at Unilab na wala pa ring sawang sumusuporta sa SPEEd mula noon hanggang ngayon.
Unang binisita ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ang Immaculate Conception Parish Church, Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus, sa Nampicuan.
Sa pakikipagtulungan ng Parochial Vicar at Head ng Promotion Committee ng naturang simbahan na si Fr. Renz Valente, nagsagawa roon ng dental mission para sa mga kabataan.
Kasama ang ilang deboto at volunteers, pinangunahan ni Dr. Rex Gaculais ang naturang dental mission kung saan umabot sa 100 estudyante at residente sa Nampicuan ang nabigyan ng libreng dental service.
Nagkaroon din ng Egg Caldo Caravan mula naman sa Magtalas family na binubuo nina Councilor Alvin Magtalas kasama ang kanyang butihing maybahay na si Filipina Magtalas at ang anak nilang actor-singer na si Beaver Magtalas mula sa Star Hunt.
Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Dingalan, Aurora upang magbigay ng food goodies at gamot sa isang Dumagat community doon katuwang pa rin ang Magtalas family at si Miss Emily Grey ng 428 Mercado Hotel And Resort.
Baka Bet Mo: Senior citizen na may karamdaman napaligaya ni Vice; Francine vlogger na rin
Ang iba pang sumuporta at nagbigay ng donasyon para sa SPEEd Outreach 2024 bukod sa Beautéderm at BlancPro ni Miss Rhea Tan, Unilab at Magtalas family, ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado, Ogie Alcasid, Kathryna Pimentel, Cong. Toby Tiangco at USec. Nina Taduran.
Nais ding pasalamatan ng SPEEd sina Local Water Utilities Administration Chair Ronnie Ong, Noel Ferrer, Wilson Lee Flores, Miss Faye, Leo Dominguez, Igan Foundation, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), Tyrrone James Escalante, Colorete Clothing, Manay Lolit Solis at Mayor Joy Pascual.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.