Aiko bad trip din kay Poblacion Girl: Dapat turuan ng leksyon at maparusahan
Aiko Melendez
HINDI napigilan ni Aiko Melendez na kumakandidatong konsehal sa 5th District ng Quezon City, ang maglabas ng saloobin sa ginawa ng tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Chua.
Sa COVID-19 din kasi namatay ang stepfather ni Aiko na si Ginoong Dan Castaneda noong nakaraang taon na kagagawan din ng ibang tao kaya ang sama-sama ng loob ng aktres dahil sobrang ingat ng Daddy Dan niya.
May trauma pa ang buong pamilya ni Aiko sa nangyaring ito sa kanilang padre de pamilya kaya’t doble pa rin ang pag-iingat nila at ito rin lagi ang bilin niya sa mga constituents niya kapag naglilibot sa Distrito 5.
Anyway, bago magtanghali ngayong araw ay nag-post si Aiko para kay Chua na tumakas mula sa isang hotel kung saan siya sumasailalim ng mandatory quarantine dahil nga kababalik lang niya sa bansa mula sa Amerika.
Ani Aiko, “Poblacion Girl – Happy New Year???
“Today Alert 3 tayo uli… habang ang majority ng tao sinusunod talaga ang lahat ng protocols. Meron pa din talaga ang iilan na nakakagulat they claim na me connections sa hotel? Goverment? Parang nakakahiya naman to.
“Kami kasi sa family namin since nawala Daddy Dan Castaneda namin nearly 1 year naging sensitive kami and mindful sa mga taong nakapaligid sa amin.
“Kasi ang sakit sakit sa puso ang mawalan ng tao na di mo man lang makita. Mayakap or makapag paalam. Kaya nakaugalian namin ang magpa test kapag me puntahan kaming intimate dinner or iikot sa community.
“Kasi para sa amin Lead by example and also Malasakit sa kapwa ang making sure you are negative when you mingle with people.
“For some ikot ng ikot lang wala pakialam basta maka-ikot. ‘Wag n’yo antayin na lahat ng actions n’yo tapos ang balik ang di n’yo kakayanin. Kami kung naging mindful din ang mga tao sa paligid ng dad ko He could have been alive till now…
View this post on Instagram
“So reminder naman sa mga tao pigilin n’yo muna ‘yung eagerness n’yo gumimik kasi makaka-antay naman ‘yan tamo ‘tong Poblacion Girl dahil sa kagustuhan mag-party party tumaas na naman ang me COVID.
“Habang kami ang karamihan nagtitiis na di muna makita ang mga kaibigan namin sa labas dahil safety ang hanap at habol namin. Sana naman kapag natapos na ni Poblacion Girl ang quarantine n’ya sa ibang hotel, eh maturuan ng leksyon at maparusahan kasi dito na naman iiral ang palakasan sa Connections.
“I-prove n’yo naman na wala ganito kasi ilan pa bang mahal namin ang mawawalan ng buhay dahil sa kapabayaan ng mga tao???
“And sana ang moral lesson dito, matuto sumunod sa mga batas… Dahil baka pag gising mo di mo kayanin ang parusa ng batas dahil lang sa kagustuhan mo lumabas…
“Isipin n’yo din ‘yung na kapag nag-lockdown tayo uli? Start from scratch lahat ng pinagpaguran natin is put to waste. ‘Wag na maging matigas ang ulo pls.
“Maawa na kayo mga pasaway sa ekonomiya naten. Isipin n’yo kayong mga ‘Entitleds” kuno kung mapapakain n’yo ba ‘yung mga Pilipino na gutom na gutom ngayon?
“Isipin n’yo din ‘yung pamilya na nagpipighati sa tuwing me nawawala sa pamilya namin… Pls! Nakikiusap po kami (praying hands emoji),” ang kabuuan ng pahayag aktres.
Siguro naman sa nangyaring ito kay Poblacion Girl ay magtatanda na siya.
https://bandera.inquirer.net/301961/joey-reyes-may-pasabog-na-open-letter-poblacion-girl-ikaw-na-ang-miss-omicron-philippines-2021
https://bandera.inquirer.net/301892/poblacion-girl-hindi-tatantanan-ng-gobyerno-staff-ng-bar-sa-makati-nawalan-ng-trabaho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.