Joy Belmonte napikon nang ikumpara kina Vico at Isko; bashers tinarayan
NAPIKON si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pambabatikos sa kanya ng mga netizens at ilang kasamahan sa media.
Naintindihan naming pagod at walang tulog ang mayora ng lungsod dahil sa sinasabing pag-ayuda sa mga nasasakupan. Nasa Facebook daw lahat ng ginagawa nito, ayon mismo sa Vice Mayor niyang si Gian Sotto.
Pero sabi namin, hindi lahat nakababasa ng Facebook page ni Mayora Joy kaya hindi alam ang mga ginagawa niya sa paglaban sa COVID-19. Dahil dito, hindi maiwasang ikumpara siya kina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Isko Moreno.
Anyway, mas lalong nalagay sa alanganin si Mayor Joy dahil imbes na magpakumbaba ay tila nanumbat pa ito sa kanyang mga constituents.
Narito ang kanyang FB post, “To the few who still believe in me, I told you I would never let you down and I won’t.
“I will fight for you, until together we vanquish this virus. Just as you fought for me when all the people who don’t understand how I work and think abandoned and denigrated me. Thank you for your continued trust and confidence.
“To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects – housing, education, healthcare, social benefits. That means there will be more for those who truly have faith in me as their leader.
“But please just show your hatred for me at the polls in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it don’t deserve for their lives and that of their families to be politicized.”
Samantala, may opinyon naman ang talent manager at komedyante na si Ogie Diaz sa mga pahayag ni Mayor Joy. “Eto, sa totoo lang tayo, ha? Ibinoto ko si Joy Belmonte bilang mayor, wa echos yan.
“Pero hindi ko isinusumbat sa kanya yan, ha? Pwede namang kahit wala ‘yung isang boto ko, sama mo pa mga kapatid ko, panalo pa din naman siya, eh.
“Kasi, naniniwala ako sa kanyang kaya na niyang maging ‘ina ng lungsod’ pagkatapos niyang maging vice mayor ng siyam na taon? Kaya na niya, di ba?
“Eh, parang napikon si mayora sa mga pume-pressure o tsuma-challenge sa kanya na gayahin si Mayor Isko o si Mayor Vico Sotto
sa pagharap sa covid-19.
“Ayan ang sagot niya tuloy. Pero ok lang ako, mayora, ha? Kahit di po ako makatanggap ng relief goods na may tatak na ‘Joy Para Sa Bayan’ ha? Mas kailangan po talaga yan ng mga ka-lungsod ko, lalo na yung arawan lang ang kita. Tama po yan. Sana, tuloy-tuloy po ang pagbibigay ng ayuda sa kanila hanggang mawala ang covid-19 na ito.
“Pero, mayora, baka type nyo namang bigyan ng pagpupugay ang mga taxpayers natin, ha? Opo, kasi pera po nila yang ipinambibili nyo ng relief goods, although mas kahanga-hanga po kayo kung ang nakalagay lang sa supot ay ‘from Quezon City Government’ or kahit nga may nakasulat na ‘Buwis n’yo ‘to, anubeh?’
“Okay lang din po kung yung mga di naniniwala sa palakad nyo o sa paraan ng pamamahala nyo ay di makasali sa sinasabi nyong pabahay nyo, pa-healthcare nyo, libreng edukasyon nyo at kahit di pa makasali sa social benefits nyo.
“Bigay nyo na po yan sa higit na nangangailangan basta po tutuparin lang ang ipinangako.
“Eto naman ang ipapangako ko bilang taga-media, taga-Kyusi at taxpayer: kung tuloy na po ang PABAHAY nyo, pa-send po ng mga pictures para matulungan ko po ang PR department nyo na magpakalat ng magandang balita na yan. Let me know po kung meron na ha? Baka ako lang ang nahuhuli sa balita.
“Saka gusto ko pong saluduhan yung mga staff nyo na nagre-repack ng goods. Kasi 400,000 goods ang dapat magawa nila, sana healthy and safe pa din sila pagkatapos kahit walang face mask yung iba.
“Anyway, yun pong sabi nyo na parang sa 2022 na lang kayo ‘gantihan’ ng mga haters nyo, mayora, ito po munang covid 19 ang tapusin natin kasi kahit di nyo sabihin yan, taumbayan pa din naman ang magdedesisyon. Malay nyo manalo uli kayo kung wala naman kayong matinding makakalaban, di ba?”
“O, siya, ang haba na nitong hanash ko. Hindi po ako hater ha? Nag-oopinyon at nagsa-suggest lang naman po.
“Wag magalit sa akin ang mga believers ni Mayor Joy, ha? Para po sa inyo itong ginagawa ko. Lalo na sa mga kababayan nating kailangan ng tulong ng Quezon City Government. Kaya mo yan, mayora. Smile ka na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.