'Locked' nina Hopkins at Skarsgard winner sa suspense-action

REVIEW: ‘Locked’ nina Anthony Hopkins, Bill Skarsgard wagi sa suspense-action

Ervin Santiago - April 03, 2025 - 06:00 AM

'Locked' nina Anthony Hopkins, Bill Skarsgard winner sa suspense-action

Anthony Hopkins at Bill Skarsgard

MULA sa producer na si Sam Raimi (‘Evil Dead, ‘Drag Me to Hell), abangan ang “Locked” — isang action-thriller na puno ng tensyon, takot, at walang humpay na pakikipaglaban para sa kaligtasan.

Maghanda na sa isang intense ride sa pagdating nito sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong April 2.

Ang “Locked” ay tungkol kay Eddie (Bill Skarsgard), isang magnanakaw na malalagay sa isang malaking gulo. Nang mapasakamay niya ang isang mamahaling SUV, aakalain niyang naka-jackpot na siya.

Ngunit, matutuklasan niya ang mga bitag na inihanda ni William (Anthony Hopkins), isang vigilante na determinadong maghiganti gamit ang sarili niyang paraan ng hustisya.

Ang sasakyan ay puno ng mga patibong na dinisenyo ni William upang hindi makatakas si Eddie.

Bantay-sarado ni William ang kanyang bawat galaw kaya kailangang gamitin ni Eddie ang talino at tibay ng loob upang maisahan si William, bago siya tuluyang mapahamak.

Sa matinding labanan ng bangis at bilis, kaligtasan ang nakataya — at isa lamang sa kanila ang makakaligtas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA International Pictures (@viva_intl_pictures)


Pagsasamahin ng “Locked” ang dalawang natatanging aktor na hindi matatawaran ang galing sa pagiging kontrabida. Si Skarsgard, ay kilala sa kanyang papel na si Pennywise the Dancing Clown sa “It” movies at sa upcoming horror movie na “Nosferatu.”

Muling patutunayan ang kanyang dedikasyon sa pagganap sa mga kumplikadong karakter. Bilang si Eddie, ipapakita niya ang kanyang matinding determinasyon na makalaya sa isang impyernong may gulong.

Makakaharap niya ang batikang aktor na si Hopkins. Bilang William, muli niyang ipapakita kung bakit nananatili siya bilang isa sa pinakamagagaling na artista sa buong mundo.

Isang Academy Award, Emmy, at BAFTA-winning actor, kilala siya sa nakakakilabot na pagganap bilang Hannibal Lecter sa “The Silence of the Lambs” (1991). Muling ipamamalas ni Hopkins ang kanyang husay sa isang performance na parehong nakakatakot at nakakabilib.

Ang “Locked” ay mula sa direksyon ni David Yarovesky na kilala sa kanyang matapang at malikhaing paraan ng storytelling.

Matapos ang tagumpay ng kanyang horror film na “Brightburn” (2019) at Netflix dark fantasy na “Nightbooks” (2021), ipakikita niyang kaya niyang pagsamahin sa iisang pelikula ang psychological horror at maaksyong bakbakan.

“Working with Bill and Anthony was a once-in-a-lifetime experience. They are two of the greatest living actors, each having brought to life some of the most iconic villains of all time,” ayon kay Yarovesky sa isang stamement.

“Together, they are electric! I’m deeply grateful to both of them, as well as to Sam Raimi, for being such incredible creative partners and for trusting me to steer the ship,” dagdag pa niya.

Ihanda na ang sarili sa isang pelikulang puno ng kaba at tensyon. Huwag palampasin ang matinding laban ni Eddie sa kamay ng isang malupit na vigilante sa “Locked” sa mga sinehan ngayong April 2.

Napanood na namin ang “Locked” sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2 at in fairness, maganda ang pelikula. Saktung-sakto ang timpla ng aksyon, drama at suspense.

Kahit dalawa lang ang main character sa movie ay talagang mahu-hook ka mula simula hanggang ending. Feeling mo, kasama ka ni Bill Skarsgard sa pakikipaglaban niya kay Anthony Hopkins.

Ramdam na ramdam mo rin ang hirap ni Bill sa loob ng sasakyan kung saan nangyari ang halos kabuuan ng pelikula kaya mas nakaka-impress ang pagkakabuo at pagkakadirek nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya watch n’yo na ang “Locked” sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending