Valeen Montenegro ikakasal na ngayong buwan

Valeen Montenegro ikakasal na ngayong buwan: ‘Locked-in forever na!’

Pauline del Rosario |January 08,2024
facebook
share this

Valeen Montenegro ikakasal na ngayong buwan: ‘Locked-in forever na!’

Pauline del Rosario - January 08, 2024 - 04:54 PM

Valeen Montenegro ikakasal na ngayong buwan: 'Locked-in forever na!’

PHOTO: Instagram/@valeentawak

MATAPOS ang pag-iisang dibdib ng TV host na si Robi Domingo at Maiqui Pineda, mukhang susunod sa kanila ang aktres na si Valeen Montenegro at ang non-showbiz niyang fiance na si Riel Manuel.

Ibinunyag kasi ni Valeen na malapit na siyang ikasal at ngayong Enero rin ito gaganapin.

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang naging beach trip nila ng soon-to-be husband at sabay sabi na ilang araw nalang ang aantayin nila para sa kanilang road to forever.

“366 days with you this year.. but in a couple of days.. locked in FOREVER NA BWAHAHAHAHAHA,” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Hugot ni Valeen para sa mga babaeng may buhok sa kilikili: Body hair is normal, it’s natural, pag-usapan natin ‘yan!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak)

Sa comment section, mababasa ang ilang komento ng kapwa-artista na tila excited na sa panibagong buhay ni Valeen, habang ang ilan ay nagpaabot ng “congratulatory” messages.

 Kabilang na riyan sina Mavy Legaspi, Carla Abellana, Ina Feleo, pati na rin ang asawa ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing.

Kung matatandaan, noong Enero nang inanunsyo ni Valeen na engaged na sila ng kanyang dyowa.

Ibinahagi pa nga niya na nangyari ang proposal habang sila ay nasa gitna ng kagubatan, kalakip ang ilang memorable pictures na nakaluhod si Riel sa harap niya, at ang eksena na napatalon siya sa tuwa. 

Paglalarawan pa niya sa nangyari, “Easiest YES!!!”

Baka Bet Mo: Hindi po kami inabandona ni Arjo at sana’y wag n’yo kaming husgahan agad — Manuel Chua

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak)

 

Taong 2018 nang nag-umpisang mag-date ang dalawa at noong nakaraang taon ay inamin ng aktres na hinihintay nalang niyang mag-propose si Riel sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-open up siya sa podcast ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas.

Sinabi nga niya rito na napag-uusapan na rin daw nila ni Riel ang tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon, kabilang na nga ang pagpapakasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending