Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: 'I'm waiting na lang...charot! | Bandera

Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: ‘I’m waiting na lang…charot!

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: ‘I’m waiting na lang…charot!

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 08:10 AM

Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: 'I'm waiting na lang...charot!

Chariz Solomon at Valeen Montenegro

HANDA na ang Kapuso actress at “Bubble Gang” star na si Valeen Montenegro sa pag-level up ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Mukhang abangers na lang ang dalaga sa gagawing marriage proposal ng partner niyang si Riel Santos Manuel at ready na siyang sumagot ng “Yes!”

Nag-guest kamakailan si Valeen sa podcast ni Nelson Canlas kasama ang kaibigan at “Balitang Ina” co-host sa “Bubble Gang” na si Chariz Solomon.

Dito nga nagkuwento si Valeen tungkol sa relasyon nila ng kanyang dyowa na nagtatrabaho raw ngayon sa advertising industry.

“Sa mga hindi nakakaalam, ang aking boyfriend ay isang DOP, Director of Photography sa advertising world. Meron kaming baby dog. Ha-hahaha! Baby dog,” ang tawa nang tawang chika ni Valeen.

Aniya, napag-uusapan na rin daw nila ni Riel ang tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon, kabilang na nga ang pagpapakasal.

“Parang nandoon na, pa-climb na kayo ng stairs na alam n’yo kung saan din naman papunta. So I’m waiting, charot. Waiting,” chika ni Valeen.

Panunukso naman ni Chariz sa kaibigan, “Nagta-tag nga ako sa kanya nung mga proposals. ‘Yung doon sa mga Spartan, ganyan. ‘Yung mga ano, sa dulo nakaluhod na yung jowa niya. Na-excite ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak)


Samantala, nagbahagi rin sina Valeen at Chariz tungkol sa 27th  anniversary ng “Bubble Gang” at inalala ang ika-25 anibersaryo ng Kapuso gag show noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Valeen said, “Siyempre kasi nandun tayo for the safety of the everyone. I mean, in our own little way nakapag-celebrate kami, pero ngayon na it’s slowly going back to normal, siyempre nakakalabas na kami.

“Ito nga, nakapag-Aqua Planet kami, nakapag-celebrate kami nang sabay-sabay, altogether, and we were able to prepare something big for our viewers, sa aming mga Kababol.

“So parang siyempre ano lang yun, it’s a mini celebration in itself na puwede na tayong bumalik sa normal,” ani Valeen na ang tinutukoy ay ang episode nila pata sa 27th anniversary ng “BG.”

Dagdag na chika naman ni Chariz,  “Kumbaga maiparamdam namin sa mga viewers and supporters ng show na ito na we’re getting there. And nandito pa rin kami.”

Ano naman ang dapat abangan ng mga manonood sa 27th anniversary ng award-winning Kapuso gag show?

Sey ni Chariz, “As usual ganyan, every year, we try to top off the year before na ang hirap to do ‘pag 27 years ka na. So we do our best pero ito nga, so dahil 27th year, ito yung pinaka. Ito yung present, so this is the biggest yet.

“’Yung ibang ginawa namin this year was first time namin na lumabas ng studio for anniversary.

“Napakagandang lugar and napakainit, kaya sobrang nag-enjoy kami. Kasi feel na feel namin summer ng Ber months. So, ang saya-saya.

“Tapos siyempre may mga in-invite kami to join us since ito ‘yung era ng social media talaga. So, nakipag-collab kami with artists of the internet, yung mga internet superstars natin,” pahayag pa ng komedyana.

Valeen Montenegro laging tinutukso dahil sa boobs: But I’m very confident with my ‘babies’

Valeen Montenegro binalaan ang publiko sa mga pekeng COVID-19 test clinic: Pera-pera lang sila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending