Valeen Montenegro binalaan ang publiko sa mga pekeng COVID-19 test clinic: Pera-pera lang sila!
BINALAAN ng Kapuso actress na si Valeen Montenegro ang sambayanang Filipino na mag-ingat sa mga naglipanang pekeng COVID-19 test clinic.
Ipinaalam ito ng aktres at Bubble Gang comedienne sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Aniya, may mga health clinic daw na nag-o-offer ng “negative” result kahit hindi na pumunta nang personal ang mga taong nagpapa-test.
“Dear friends! Please make sure you go to legit RT-PCR/Antigen clinics.
“There are so many now that just do it for the sake of money.
“They offer NEGATIVE results & no appearance is required!!!! PAAAANO?!” ang pahayag ni Valeen sa kanyang IG story.
Hindi naman nabanggit ng Kapuso actress kung personal niyang naranasan ito o may nagsabi lamang sa kanya.
Sa Pilipinas, maaaring malaman kung kung tinamaan ka ng COVID-19 sa pamamagitan ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test o Rapid Antibody-based Test.
Ngunit ayon sa Department of Health (DOH), ang RT-PCR test pa rin ang sinasabing pinaka-effective, reliable at “most accurate” sa pag-detect ng virus sa katawan ng isang tao.
* * *
Gaganap bilang pilyo at mapang-asar na estudyante ang Kapuso actor na si Jay Arcilla sa upcoming prequel ng award-winning at well-loved family sitcom na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” na nagsimula na kahapon.
Kuwento ni Jay, medyo relate raw siya sa kanyang karakter sa show bilang Eric dahil makulit din siya noong high school.
“Ang character namin ni Kristoffer (Martin) dito, mga pilyong estudyante kami. Dati, naranasan ko ring mang-asar and naranasan ko rin na ako ‘yung inaasar.
“Ibang-iba kasi before ‘yung naranasan namin noong 90’s. Pero hindi naman sobrang lala na nakakapagpaiyak ako!” sey ng binata.
Talagang inabangan ng Kapuso viewers kagabi ang “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” dahil siguradong gusto rin nilang matunghayan kung paano nagsimula ang love story nina Pepito at Elsa Manaloto.
Sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang gumaganap ngayon sa mga karakter na pinasikat nina Michael V at Manilyn Reynes na tumagal din ng halos isang dekada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.