Valeen Montenegro laging tinutukso dahil sa boobs: But I'm very confident with my 'babies' | Bandera

Valeen Montenegro laging tinutukso dahil sa boobs: But I’m very confident with my ‘babies’

Ervin Santiago |March 18,2021
facebook
share this

Valeen Montenegro laging tinutukso dahil sa boobs: But I’m very confident with my ‘babies’

Ervin Santiago - March 18, 2021 - 09:27 AM

WALANG planong magpadagdag ng boobs ang Kapuso actress-dancer na si Valeen Montenegro kahit na palagi siyang tinutukso ng ilang body-shamers.

Ayon sa dalaga, sanay na naman daw siya sa pang-ookray at “pangmamaliit” ng ilang bashers sa kanyang mga dibdib at hindi na raw siya apektado rito.

Ang mahalaga naman daw sa kanya ay mapanatili ang kanyang maayos na kalusugan at healthy lifestyle dahil tanggap na tanggap na niya ang katotohanang hindi siya biniyayaan ng malulusog na dibdib.

Pahayag ni Valeen sa isang episode kamakailan ng “Mars Pa More”, “Shoutout nga pala sa mga mahilig mag-judge at sabihin na ako ay ‘flat’ or ‘nakatalikod.’

“Sana ay mas malaki na lang ‘yung boobs para mas perfect, para mas feminine tingnan.’ ‘Yun ‘yung lagi nilang sinasabi,” kuwento pa niya.

Pagdidiin pa ng dalaga, “But, for the record, actually parang first time ko itong sasabihin sa TV. I’m very confident with my ‘babies.’ I love them how they are.

“Kasi hindi siya hindrance. I mean I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me or nahihirapan, pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them,” sey pa ng Bubble Gang star.

Hindi rin naiisip ng komedyana ang sumailalim sa breast enhancement dahil naniniwala siyang saktung-sakto lang para sa kanya ang sukat ng mga ito.

“As in, I’m so confident and I’m so blessed to have this. Kasi feeling ko sakto siya sa lifestyle ko rin,” dagdag pang mensahe ni Valeen sa lahat ng mga naliliitan sa kanyang mga dibdib.

Ipinagmamalaki naman ng Kapuso star ang iba pang bahagi ng kanyang katawan na aniya’y maituturing na ring pambawi sa kanyang boobs.

“At saka medyo bumawi naman doon sa back side. Sobrang fair ni Lord, binawian Niya ako roon sa back side,” natatawang chika pa ni Valeen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, makikita naman sa Instagram account ng aktres kung gaano ka-fit at toned ang body ni Valeen na siyang resulta ng tamang pag-aalaga sa kanyang katawan at kalusugan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending