Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera! Bandera

Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

Ervin Santiago |November 25,2021
share this

Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

Ervin Santiago November 25, 2021 - 06:41 AM

Chariz Solomon

MAS marami pang pera ang kinita ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon nang mapasama siya sa longest-running gag show ng GMA 7, ang “Bubble Gang.”

Ipinagdiinan ng aktres na wala sigurong Chariz Solomon kung wala ang “Bubble Gang” na itinuturing na rin niyang ikalawang pamilya dahil sa tagal na rin ng pamamalagi niya rito.

Nang dahil daw sa Kapuso gag show, mas nakilala siya ng mga manonood at mas dumami pa ang nagsunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa GMA 7.

“Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera, kasi nakuha ako sa ibang show, e!” ang diretsahang sabi ng StarStruck alumna sa ginanap na virtual mediacon kamakailan para sa 25th anniversary ng “Bubble Gang.”

Katwiran niya, “Kasi it gave me the confidence that I needed in showbiz. Kumbaga kaya mo makipagsabayan doon sa mga beterano, sa mga seniors ko.”

Dagdag pang pahayag ni Chariz, talagang napakarami niyang natutunan sa nasabing programa kung saan na-train siya nang bonggang-bongga bilang komedyana.

“Meron kang confidence kasi na-train ka du’n sa show, na-train ka ni Michael V., kay Ogie Alcasid, kay Rufa Mae Quinto, kay Maureen Larrazabal.

“So meron kang disiplina, meron kang tamang attitude towards work. Iba ‘yung work ethics, iba ‘yung practice ng Bubble Gang.

“Sabi nga nila kapag may mga gathering ng mga shows, kapag dumating talaga ‘yung Bubble Gang or Pepito Manaloto, iba e. Para kaming may bentilador ‘yung ganu’n ba ‘yung dating,” pagmamalaki pa ni Chariz.


Dagdag pa niya, “So feeling ko, dahil sa Bubble Gang lahat ng meron ako siyempre bukod sa StarStruck kung saan ako nagsimula po, lahat ng meron ako, malaking factor talaga ‘yung Bubble Gang.”

Sa ilang taon ni Chariz sa mundo ng showbiz, nabiyayaan na rin siya ng tatlong anak — sina Apollo, Ali at Andreas.

Samantala, ang tema ng 25th anniversary ng Kapuso gag show ay “Ka-BUBBLE Mula Noon ‘GANG Ngayon”. Abangan daw kung sinu-sino sa mga dating kasamahan nila sa show ang bibisita para maki-celebrate sa kanila.

Sabi nga ni Cecille de Guzman, ang Senior Program Manager ng “Bubble Gang”, “It’s all about being together, yung lahat na sumuporta sa programa for the last 25 years.

“We want to celebrate that, to give back to them. We want to say, ‘importante kayo at inspirasyon kayo sa programa, kasi totoo naman yun,” aniya pa.

Siyempre, ka-join pa rin sa “BG” sina Betong Sumaya, Boy2 Quizon, Kim Domingo, Chariz Solomon, Arra San Agustin, Antonio Aquitania, Mikoy Morales, Archie Alemania at marami pang iba.

Bitoy: Kilala n’yo naman si Paolo, strong talaga yun…madali siyang maka-recover

Bitoy sa 25 years ng ‘Bubble Gang’ sa GMA: Wala talagang sikreto, no formula

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending