Hindi po kami inabandona ni Arjo at sana'y wag n'yo kaming husgahan agad — Manuel Chua | Bandera

Hindi po kami inabandona ni Arjo at sana’y wag n’yo kaming husgahan agad — Manuel Chua

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 12:19 PM

Manuel Chua at Arjo Atayde

NAGLABAS din ng “ebidensiya” ang character actor na si Manuel Chua, Jr. para patunayang hindi sila inabandona ni Arjo Atayde habang nagsu-shooting pelikula sa Baguio City.

Sinegundahan ni Manuel ang naging pahayag ni Hashtag Nikko Natividad na hindi sila pinabayaan ni Arjo tulad ng mga naunang napabalita. Isa si Arjo sa 10 nasa shooting na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa official statement ng  Feelmaking Productions, Inc., ang producer ng nasabing pelikula, may pre-existing medical condition si Arjo kaya nagdesisyon ang produksyon, ang mga doktor at mga magulang ng binata na isugod na siya sa isang ospital sa Manila.

At dahi nga rito kaya may lumabas na chika na tumakas daw si Arjo at basta na lang iniwan ang kanyang mga kasamahan sa Baguio na napatunayan ngang walang katotohanan base na rin sa pagtatanggol sa kanya ng mga katrabaho.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglitanya si Manuel at dinepensahan ang boyfriend ni Maine Mendoza laban sa mga bashers.

“Hindi po kami inabandona ni Arjo Atayde, kami po una nya iniisip lagi, bago sarili niya. Sobra sobra po pag aalaga ginawa nya samin.

“Mahal po namin si Arjo kaya kami man po ay gustong mauna na madala na siya talaga sa ospital dahil siya ang may symptoms samin at alam po namin na nahihirapan siya,” simulang pahayag ng aktor.

“Bilang kaibigan o kapamilya na ituring, hindi po namin kaya makita na nahihirapan siya. Nagworry kami para sa kanya, ganu’n din ang pamilya nya syempre.

“Pero kahit po nauna na siya umalis at may kundisyon na sya na hindi maayos, lagi pa din niya kami tinatawagan at minomonitor.

“Wala pong pang aabandona na nangyari, at wala pong pagpapabaya sa mga kasama na nagyari. Lahat po kami ay inalagaan ni Arjo at ng buong production ng Feelmaking.

“Hanggang ngayon po ay inaalagaan at inaasikaso kami ni Arjo, ng buong Familya Atayde, at ng Feelmaking Productions. Kumpleto po ang test namin during stay namin sa Baguio, wala po kami protocol na nasira at hindi din po kami ang nagdala sa Baguio ng virus,” pahayag pa ni Manuel.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Hinihingi po namin ngayon ay dasal nyo po at pang unawa. Para po sa recovery ni Arjo Atayde, recovery ko, at ng aking mga kasama.

“Wag nyo po kami i-judge kaagad, mas kailangan po namin ang inyong simpatya at dasal. Hindi po namin intensyon na makapanakit ng ibang tao o makaperwisyo.

“May mga pamilya din po kami na iniisip, hindi po kami robot na basta magkakalat na lang at hindi iisipin mga tao nakapaligid sa amin.

“May mga uuwian din po kami na pamilya. Mga tao na may puso din po kami. Nasasaktan din po kami. Artista po kami, pero tao pa din kami. May puso po…” aniya pa.

Sa huli, nagpasalamat naman si Manuel sa Diyos, sa Atayde family at sa lahat ng mga nakakaintindi sa kanilang sitwasyon at sa mga nagsabing ipagdarasal ang kanilang mabilis na paggaling. 

Nauna rito, naibalitang walang nilabag na health protocols si Arjo base sa naging pahayag ng attending physician niyang si Dr. Claudette Guzman Mangahas taliwas sa naunang pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasabi ng alkalde na umalis si Arjo sa Baguio at iniwan ang mga kasamang nagpositibo rin sa COVID-19. Nabanggit ni Dra. Mangahas sa isang interview na  walang nahawaan ang aktor dahil nga iniwas na nito agad ang sarili sa kanyang nga katrabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending