Sylvia atat na atat nang makita ang apo kina Ria at Zanjoe

Sylvia atat nang makita ang apo kina Ria at Zanjoe: Parang ako ang nanay

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 02:00 AM

Sylvia atat nang makita ang apo kina Ria at Zanjoe: Parang ako ang nanay

Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Sylvia Sanchez, Art Atayde at Xavi Atayde

FEELING ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ay siya ang nagbubuntis sa magiging panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

In fairness, ngayon pa lang ay super excited na si Ibyang sa magiging unang apo kina Ria at Zanjoe at aminado siyang baka raw maging spoiler siyang lola.

Ibinandera ng Kapamilya seasoned actress sa kanyang social media accounts ang ilang ganap sa Hong Kong trip ng kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Zanjoe tinawag na ‘responsableng tao, napakabuting asawa’ ni Sylvia

Sa Instagram ibinahagi ni Sylvia ang ilan niyang litrato na kuha sa HK iconic harbor kasama ang asawang si Papa Art Atayde, ang kanyang son-in-law na si Zanjoe at siyempre ang anak niyang si Ria na kitang-kita ang lumolobong baby bump.

Ani Ibyang sa caption, “Excited for the arrival of our little Marudo.

“Final trip for Mommy @ria before she embarks on motherhood full time,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa sa mga nagkomento sa post ng premyadong aktres ay ang anak-anakan niyang si Ice Seguerra. Sey ng aktor at direktor, “Yeyyyy! Parang mas excited ka pa kay Ria, Nay.”

Sagot naman sa kanya ni Sylvia, “Oo nak. Parang ako ang Nanay. ahahaha!
May pamangkin ka na sa mga kapatid mo.”

Samantala, sa isa pang Facebook post ni Sylvia, tila inaasar naman niya ang buntis na anak, “Hahaha Mahina ang radar mo at naisahan ka naming tatlo. We love you Buntis Potpot.

“Next travel kasama na mini me niyo ni @onlyzanjoemarudo excited much si Mommyla at si popsy sa pagdating ni little Boss,” sabi pa ng aktres.

Baka Bet Mo: KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa official FB page ng BANDERA kung saan naka-post din ang mga photos ng Atayde at Marudo family.

“Parang Ang happy Ng family nla” c Ms Sylvia down to earth ugali….napanood ko sya way back p”…..pero ndi lumaki ulo nya…Ang baba nya.”

“Cute siguro noh! ganda at pogi nman c zanjo oh! lola or mamo. eready mo na ang health mo at may aalagaan kna.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nauna pa siya mag ka baby bago kay Maine. Congratulations Ria and Zanjo for a date with the Stork.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending