Sylvia Sanchez ayaw maging bida, idol si Cherrie Gil

Sylvia Sanchez ayaw maging bida, idol si Cherrie Gil

Therese Arceo |March 09,2024
facebook
share this

Sylvia Sanchez ayaw maging bida, idol si Cherrie Gil

Therese Arceo - March 09, 2024 - 09:00 PM

Sylvia Sanchez ayaw maging bida, idol si Cherrie Gil

Sylvia Sanchez

INAMIN ng aktres na si Sylvia Sanchez na malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng tinaguriang “La Primera Contravida” na si Cherie Gil.

Sa kanyang panayam sa kay Aster Amoyo na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay naikuwento niya na hindi niya raw pinangarap na maging bida.

Panimula ni Sylvia, 1989 nang una niyang pasukin ang mundo ng showbiz at isa raw si Aster sa mga taong nasubaybayan ang kanyang journey.

“I saw people come and go at marami na rin akong na-witness na talagang sobrang nag-grow, lumaki ang pangalan and ‘yung iba nawala. In your case, parang gradual. Hindi ka agad [napunta sa tiktok]. Nasubaybayan ko ‘yung growth mo as an actress. Hindi ‘yun biglaan. You waited long,” saad ni Aster.

Dito ay ikinuwento na ni Sylvia ang kanyang mga unang taon bilang artista.

“Pasok ako 1989 sa movie… nagkaroon ako ng sariling teleserye 2016. Tatlong dekada akong naghintay.

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez super happy sa engagement nina Ria, Zanjoe: ‘Perfectly matched!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siguro nakatulong sa aking malaki [‘yung] ang talagang hinangaan ko, talagang ito ‘yung sinabi kong gusto kong maging, ‘yung path nito ang gusto ko talagang sundan, ‘yung career niya na kahit mawala siya pagbalik niya pinag-aagawan ko siya, siyempre the one and only Cherie Gil,” pagbabahagi ni Sylvia.

Aniya, ito raw talaga ang artistang hinahangaan niya.

“From the start, hindi talaga ako nangarap maging bida. Gusto kong maging kontrabida like Cherie Gil,” amin pa ni Sylvia.

Chika pa niya, marahil ito raw ang tumulong sa kanya kaya hindi siya nainip sa naging takbo ng kanyang karera.

“Siguro dahil ito lang ang gusto ko, tiyaga-tiyaga-tiyaga. Ni hindi nga ako nangarap na isang araw maging bida ako sa sarili kong serye, na maging bida ako sa isang pelikula kasi kontento na rin ako na nagbibida ako sa TV,” ani Sylvia.

Dagdag pa niya, “‘Yung mga TV show ng ABS na kinukuha naman ako doon maging bida. Okay na sa akin ‘yon, ‘Ta. Hindi talaga ako nangarap. Pero syempre ‘pag dumating sa akin, why not?’ pero ‘yung nangarap na gusto kong magbida, hindi ako nagmadali.”

Naniniwala rin talaga si Sylvia sa right timing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat raw talaga ay magkakaroon na siya ng solo movie under Regal films pero nang sabihan raw siya ukol rito ay ipinagbubuntis na niya si Arjo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending