Sylvia super happy sa engagement nina Ria, Zanjoe

Sylvia super happy sa engagement nina Ria, Zanjoe: ‘Perfectly matched!’

Pauline del Rosario |February 23,2024
facebook
share this

Sylvia super happy sa engagement nina Ria, Zanjoe: ‘Perfectly matched!’

Pauline del Rosario - February 23, 2024 - 10:40 AM

Sylvia super happy sa engagement nina Ria, Zanjoe: ‘Perfectly matched!’

PHOTOS: Instagram/@sylviasanchez_a

APRUB na aprub sa batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang naging wedding engagement ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa pamamagitan ng Instagram post, inihayag ni Sylvia kung gaano siya kasaya para sa kanyang anak.

“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria [red heart emoji],” caption niya kalakip ang video ni Ria habang nasa beach.

Mensahe pa niya kay Ria, “Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak [red heart emoji]”

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez aprub kay Zanjoe para kay Ria: Gustong-gusto ko siya!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Sa hiwalay na IG post, ibinandera naman ni Sylvia ang ilang pictures na makikitang magka-video call sila ng anak kasama si Zanjoe at tila ibinalita ni Ria sa kanyang pamilya na engaged na sila ng aktor.

Sa caption, inilarawan pa ng batikang aktres ang couple na “perfectly matched.”

Sey niya sa post, “My heart is overflowing with Joy [red heart emoji] Perfectly Matched [ring emojis].”

Baka Bet Mo: Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Kamakailan lang, nagpahayag din ng mensahe ang sister ni Ria na si Gela Atayde matapos ang proposal ni Zanjoe.

Sa Instagram Story, nagbilin si Gela kay Zanjoe na alagaang mabuti ang kanyang kapatid.

“Please take care of her, kuya @onlyzanjoemarudo [white heart emoji],” sey ni kalakip ang picture nilang tatlo.

Kasunod niyan ay sinabi rin niya na masayang-masaya siya sa relasyon ng dalawa.

Noong February 20 nang masayang inanunsyo nina Ria at Zanjo na engaged na sila sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

“Forever sounds good,” ang caption ng Kapamilya actress sa litrato nila ni Zanjoe.

Mababasa naman sa Instagram Story ng aktor  ang mga katagang, “Hi fiance.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

January last year lamang nang kinumpirma ni Zanjoe sa publiko ang real score nila Ria matapos ang ilang buwang pagde-date.

Sa isang interview noong Setyembre ay inamin ng aktres na itinuturing niyang “the one” o “forever” si Zanjoe.

Ayon sa kanya, hindi naman sila mag-aaksaya ng oras at panahon kung hindi nila nakikita ang isa’t isa bilang partners in life na panghabangbuhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending