Resbak ni Sylvia sa bashers ni Ria: 'Wala akong pakialam sa kanila, basta masaya ang buhay ng anak ko at masaya kaming pamilya!' | Bandera

Resbak ni Sylvia sa bashers ni Ria: ‘Wala akong pakialam sa kanila, basta masaya ang buhay ng anak ko at masaya kaming pamilya!’

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Resbak ni Sylvia sa bashers ni Ria: ‘Wala akong pakialam sa kanila, basta masaya ang buhay ng anak ko at masaya kaming pamilya!’

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:40 AM

Resbak ni Sylvia sa bashers ni Ria: 'Wala akong pakialam sa kanila, basta masaya ang buhay ng anak ko at masaya kaming pamilya!'

Sylvia Sanchez at Ria Atayde

MATAPANG na naglabas ng kanyang saloobin ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa mga bashers at haters ni Ria Atayde.

May kaugnayan ito sa pagiging 2023 calendar girl ng White Castle Whiskey ng anak kung saan  ipinaglalaban nga ang body positivity at para mabawasan kung hindi man tuluyang matigil ang body shaming sa social media.

Maraming natuwa at nagsabing super proud sila sa Kapamilya actress dahil sa tapang na kanyang ipinakita sa bagong endorsement.

Pero may mangilan-ngilan pa ring nam-bash sa dalaga at kinuwestiyon ang pagkuha sa kanya bilang calendar girl dahil hindi naman daw sexy si Ria tulad ng mga past celebrity brand ambassador ng nasabing liquor brand.

Ayon kay Sylvia, 100% ang suportang ibinigay nila kay Ria para sa bago nitong project. Hindi rin sila nakialam sa pictorial ng dalaga kung saan pinatunayan nga ng aktres na ang kaseksihan ay makikita sa iba’t ibang porma at istilo.

“Kung alam kong maganda naman, bakit hindi? ‘Yung plano kasi nila kay Ria, ang ganda ganda. In-explain nila ang ganda, ganda, ang sosyal sosyal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


“So sabi ko, ‘Why not, ‘di ba? Kasi for me, hindi naman sa pagiging payat ‘yung pagiging sexy. Tumitingin ako sa pagiging sexy sa tao, papano siya mag-alaga ng kapwa niya, paano siya bilang tao, kung mabuti siyang tao. Ano ‘yung talino niya,” ang pahayag ni Sylvia sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga nitong Sabado.

“Ang katawan kasi puwede kasi ‘yan i-exercise eh, puwede kang maging sexy. Pero para sa akin, ang kabuoan ng pagiging sexy sa akin, kung mabuti kang tao. Ang sexy sa akin ang puso ng tao.

“Mas gusto kong makita ‘yung sa sinasabi niyong may laman or voluptuous kesa sa payat na masama ugali. Mas gusto ko sa voluptuous na merong mabuting puso. ‘Yun ang sexy para sa akin,” aniya pa sa nasabing panayam.

Ito naman ang naging reaksyon ni Ibyang sa mga haters ni Ria, “Merong namba-bash kay Ria pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.

“You know why? Masaya ang buhay ng anak ko, masaya kaming pamilya. Okay ang anak ko. So bakit ko iintindihin ‘yung mga taong bashers na mga walang mukha?

“So mas prioirty ko ang kaligayahan ng anak ko, mas importante sa akin si Ria kesa sa mga bashers. Ngayon may kasabihan nga, kapag inggit, pikit,” sey pa ng premyadong aktres.

Super proud mom din siya sa pagiging calendar girl ng anak, “Pina-frame ko ‘yung tatlo. ‘Yung tatlong ‘yun, ibibigay ko kay Ria at nagpa-frame din ako ng tatlo para sa akin.”

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Sylvia ayaw pakialaman ang diskarte nina Arjo at Maine sa pagpapakasal; Zanjoe ‘nagpaparamdam’ kay Ria

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending