Sylvia ayaw pakialaman ang diskarte nina Arjo at Maine sa pagpapakasal; Zanjoe ‘nagpaparamdam’ kay Ria
GUSTUNG-GUSTO na ni Sylvia Sanchez ang magkaroon ng apo pero never naman daw niyang diniktahan o pine-pressure ang mga anak tungkol dito.
Ayon kay Ibyang, ayaw niyang makialam sa mga diskarte sa buhay ng kanyang mga anak, lalo na kina Ria at Congressman Arjo Atayde at sa usaping lovelife.
Sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas kay Sylvia sa programang “Korina Interviews” sa NET25 last Sunday, October 9, ay natanong nga ang tungkol kina Arjo at sa fiancée nitong si Maine Mendoza.
“Handa ka na bang magkamanugang?” ang diretsahang tanong ni Korina kay Ibyang na mabilis nitong sinagot ng, “Handang-handa na ako.”
View this post on Instagram
Nausisa na rin daw ng premyadong aktres ang anak na kongresista kung kailan ba ang kasal nila ni Maine pero ang sagot sa kanya a wala pa raw eksaktong petsa.
“Wala. Hindi ko pa alam, kasi hindi pa naman sila nagsasabi sa akin, e. Pero siyempre, alam ko yun na ang kasunod, kasi yun ang gusto nila, e. Pero yung date, hindi ko tinatanong.
“Hinahayaan kong si Arjo ang magsabi sa akin, di ba? Yung, ‘Kailan ba, anak?’ ‘Malapit na, Mom. Malapit na.’ Kasi siyempre, gusto ko na magkaapo,” aniya pa.
Ayaw daw niyang pangunahan ang anak tungkol sa pagpapakasal nito, “Siyempre, bahala sila kung gusto nila. Pero, parang gusto na ng dalawa, e.”
Samantala, tungkol naman sa tunay na namamagitan kina Ria at Zanjoe Marudo, ito ang sabi ni Sylvia, “Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay, e. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw.
“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman, e, ganu’n. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin, e. Wala pa talaga,” chika pa ng Kapamilya actress.
Naikuwento rin ni Ibyang na nakabukod na sa kanila ni Papa Art Atayde sina Arjo at Ria, “Nu’ng una siyempre pinigilan ko, kasi parang nalulungkot ako. But, kailangan mag-let go ka talaga bilang nanay, e.
“Kaya hinayaan ko silang hanapin yung sarili nilang buhay. Mabuting matuto din. Kasi hindi naman habang buhay, buhay tayo sa mundong ito. Para pag wala ako, kaya nila. Strong sila na tao,” pahayag pa ni Sylvia Sanchez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.