Sylvia love na love sina Maine at Zanjoe; Rei Tan nagbigay ng tips

Sylvia love na love sina Maine at Zanjoe; Rei Tan may tips para magtagumpay

Ervin Santiago |February 13,2024
facebook
share this

Sylvia love na love sina Maine at Zanjoe; Rei Tan may tips para magtagumpay

Ervin Santiago - February 13, 2024 - 06:48 AM

Sylvia love na love sina Maine at Zanjoe; Rei Tan may tips para magtagumpay

Rhea Tan, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Maine Mendoza

NATUTUWA at nagpapasalamat sa Diyos si Sylvia Sanchez dahil nakikita niya kung paano magmahalan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Kinumusta namin at ng ilan pang miyembro ng entertainment media kay Sylvia ang pagsasama nina Maine at Arjo bilang husband and wife.

Nakachikahan namin si Ibyang sa naganap na thanksgiving at Chinese New Year celebration ng Beautéderm Corporation sa Angeles City, Pampanga nitong nagdaang Sabado.

Baka Bet Mo: Netizens durog ang puso sa open letter ni Maggie Wilson para sa anak na mahigit 1 year na niyang hindi nakikita

“Happy sila, happy. At saka inaalagaan nila yung isa’t isa. Happy ako kung ano ang nakikita ko sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


“Nakikita ko lang kapag kumakain silang dalawa, iniintindi ni Maine yung pagkain ni Arjo, iniintindi ni Arjo ang pagkain ni Maine. Ang sweet! Parang hoyyyy! Ha-hahaha!

“Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Grabe yung…inaalagaan nila yung isa’t isa saka nakikita ko talaga yung pagmamahal nila at respeto sa isa’t isa,” sabi pa ni Ibyang.

Ano ang maibibigay niyang advice kina Arjo at Maine para mas maging matatag at solid ang kanilang pagsasama as married couple?

“Mahalin lang nila yung isa’t isa, di ba? Pag mahal n’yo ang isa’t isa, ako naniniwala ako, kahit magkahiwalay kayo kung mahal n’yo ang isa’t isa, at kung talagang kayo ang nakatadhana ng Diyos, kahit anong mangyari, darating ang time, kayo pa rin,” pahayag ng seasoned actress.

Baka Bet Mo: Mother’s Day video ni Maggie Wilson nakakadurog ng puso, mahigit 1 taon nang hindi nakikita ang anak na si Connor

May ipinayo rin ba siya sa kanyang anak at sa daughter-in-law ngayong usung-uso ang hiwalayan sa showbiz? “Hindi. Wala. Alam naman nila, malalaki na yun, e!” sagot ni Ibyang.

E, sa isa pa niyang anak na si Ria Atayde at sa boyfriend nitong si Zanjoe Marudo, “Wala. Basta ito lang ang sasabihin ko sa inyong lahat, mahal ko si Maine, at mahal ko si Zanjoe.”

In fairness, may karapatang magbigay ng advice si Sylvia tungkol sa pagsasama ng mag-asawa dahil matindi rin ang pinagdaanan nila noon ng kanyang husband na si Papa Art Atayde.

“Korek! Di ba, kaming mag-asawa? At the end of the day, kami talaga. Anyway, yun nga mahal ko si Maine, at mahal ko si Zanjoe. Napakabait nu’ng dalawa,” aniya pa.

Ano naman ang aabangan ng madlang pipol sa kanya ngayong 2024? Birong hirit ng aktres, “Magbuntis ako! Ha-hahaha! 52? Menopause na ako. Hindi.

“Ang aabangan sa akin, itong Nathan Studios. Like ngayon, naka-focus ako talaga dito. May mga projects, may mga nagpi-pitch. Marami.

“Actually, may napili na kami na mga four projects na papasukan namin. May concert, hindi ko pa puwedeng i-announce. Big concert ito, local. Basta, excited ako dito,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, tagumpay ang ginawang Chinese New Year party ng negosyanteng si Rhea Tan kasama ang kanyang mga celebrity ambassadors na ginanap sa Beautéderm Headquarters sa
Angeles City last Saturday.

Kasabay ng CNY celebration, nagbigay din ng tips for success si Miss Rei habang ipinagdiriwang ang 1st anniversary ng kanyang 7-storey building kung saan nakatayo ang kanyang mga negosyo — Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-
List Avenue.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Sabi ni Miss Rei, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.”

Baka Bet Mo: McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?

Dagdag ng business magnate, “Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

Sa tanong kung ano ang kahulugan ng “success” para sa kanya, “When you see that the community you’re supporting thrives, I count that as personal
success.”

Nagkaroon ng building tour kasama ang guests at celebrities. Ipinakita ng Beautéderm boss ang Beauté Beanery kung saan nag-o-offer ng premium coffee, drinks, at food items; ang BeautéHaus naman ay kilalang skin clinic kung saan nagpro-provide ng
beauty services at treatments; at ang A-List Avenue ay nagbebenta ng authentic high-end brands at designer labels.

Nominado rin ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year. Voting will start on March 5 to April 5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Sylvia, present din sa selebrasyon ang Beautederm ambassadors na sina Sam Milby, Carlo Aquino, Alma Concepcion, Sunshine Garcia, Patricia Tumulak, Ynez Veneracion, Darla Sauler, DJ Jhai Ho , Gillian Vicencio, Kimson Tan, Ervic Vijandre at Ann Feo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending