Arjo Atayde pinakasalan daw ang 'clone' ni Maine Mendoza, 'delulu' fans ng AlDub ayaw tumigil | Bandera

Arjo Atayde pinakasalan daw ang ‘clone’ ni Maine Mendoza, ‘delulu’ fans ng AlDub ayaw tumigil

Therese Arceo |July 29,2023
facebook
share this

Arjo Atayde pinakasalan daw ang ‘clone’ ni Maine Mendoza, ‘delulu’ fans ng AlDub ayaw tumigil

Therese Arceo - July 29, 2023 - 07:46 AM

Arjo Atayde pinakasalan daw ang 'clone' ni Maine Mendoza, 'delulu' fans ng AlDub ayaw tumigil
HANGGANG ngayon ay matibay pa rin ang paniniwala ng mga delulu AlDub fans na may relasyon sina Alden Richards at Maine Mendoza kahit kasal na ang huli kay Arjo Atayde.

Kahapon, July 28, naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges na dinaluhan ng kanilang mga kaanak at malalapit na mga kaibigan.

Matatandaang nauna nang ipinahayag noon ni Maine at Arjo na magiging pribado ang kanilang kasal dahil kahit na mga artista sila ay very private sila sa kanilang mga personal na ganap sa buhay.

Marami naman sa mga netizens ang masaya para sa dalawa lalo na’t ang kanilang love story sa simpleng tweet lang ni Meng noon na “Arjo cutie” noong July 28,2013 na nasundan ng kanilang unang pagkikita noong July 28, 2018.

Matapos ang halos apat na taong relasyon ay nag-propose si Arjo kay Maine noong July 28, 2022 at ngayong July 28, 2023 ay tuluyan na silang mag-asawa.

Ngunit kahit gaano kaganda ang kanilang love story ay hindi pa rin mawawala ang mga taong may masasabing negatibo laban sa kasiyahan ng iba.

Matapos ang anunsyong kasal ng dalawa sa social media ay maraming AlDub fans ang nag-react at nagsabing hindi raw totoong Maine ang pinakasalan ni Arjo bagkus isa raw itong “clone”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na!

Isa na nga sa mga ito ay ang Twitter user na si @MCambsI2.

Ayon sa kanyang tweet, “Balita ko Garden wedding daw ang ganap sa Baguio.. hahaha.. forecast maghapon uulan.. good luck..paano walang simbahang papayag sa Fake na kasal. Anyway di naman totoong [Maine] ‘yun.. si Clonie ang ikakasal kay [Arjo]. nandun nagaalaga ng 3 anak si Mumshie.”

Sa isang hiwalay na tweet ay sinabi niyang hindi siya maniniwala sa mga balita kahapon dahil alam niya ang totoo.

“Sorry po I still stick to what I believe… I KNOW THE REAL NICOMAINE DEI MENDOZA IS MARRIED TO RICHARD FAULKERSON JR & THEY HAVE 3 KIDS… MAY RESIBO AKO NYAN… KAYA YOU CANT MAKE ME BELIEVE..SARRY BASH PAMORE..”

Marami naman sa mga iba pang AlDub fans ang ganito rin ang paniniwala.

Ang AlDub o AlDub nation ay ang tawag sa fan base ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa segment ng Eat Bulaga” na KalyeSerye na nagsimula noong August 2015.

Sa kabila ng pagkakahiwalay ng kanilang love team ay marami pa ring fans ang hindi maka-move on at kahit nga masaya na ang dalawa sa kani-kanilang buhay at career ay pinaniniwalaan pa rin nilang may relasyon ang mga ito kahit na ilang beses na ring dinenay ng dalawa ang bagay na ito.

Samantala, mukhang hindi na rin naman papatulan ni Maine ang mga hanash ng “delulu” fans dahil inamin na niya noon sa panayam niya kay Ogie Diaz na napagod na siyang magpaliwanag sa mga delusional fans.

“I tried calling them out couple of times already. Pero ayaw po talaga nilang maniwala. Kasi ‘yung iba parang hanggang ngayon kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden. May anak na kami.

“Nakakapagod na mag-explain and I don’t think there’s something that I can do para sa mga taong ito. Wala na ako magawa,” sabi ni Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maine Mendoza, Arjo Atayde ikakasal sa July 28, bakit nga ba ‘yan ang napiling petsa?

Sylvia excited na sa bonggang wedding nina Arjo at Maine: ‘Cant wait for the Big Day! Love you, my soon to be daughter-in-law!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending