Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na! | Bandera

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na!

Therese Arceo |July 28,2023
facebook
share this

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na!

Therese Arceo - July 28, 2023 - 07:21 PM

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na!
GANAP na ngang mag-asawa ang TV host-actress/comedienne na si Maine Mendoza sa actor-politician na si Arjo Atayde.

Matapos nga ang kanilang halos apat na taon nilang pagiging magkasintahan ay finally mag-asawa na ang dalawa.

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges na dinaluhan ng kanilang mga kaanak at malalapit na mga kaibigan.

Ilan pa sa mga present sa kasal ay ang trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon bilang kanilang principal sponsors. Kabilang rin sa mga ninong ay sina House Speaker Martin Romualdez at Sen. Miguel Zubiri.

Samantala, ilan naman sa mga naging bridesmaid ni Maine ay sina MJ Lastimosa, Ciara Sotto, Kristine Hermosa, at ang ikakasal rin bukas na si Maja Salvador.

Bago ang big day ay talagang excited na ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na maging parte ng kanilang pamilya officially si Menggay.

“Happy to welcome you to our big happy and crazy family. Soon, Mrs. Maine Mendoza Atayde ka na. Cant wait for the Big Day. Love you, my soon to be daughter-in-law,” saad ni Sylvia.

Nag-post na rin ang “E.A.T.” host ng mga larawan sa kanyang Instagram page kung saan makikitang nakasuot ang dalawa ng pangkasal. Hindi naman malinaw kung ito nga ba ay mula sa kasal nila o sa naganap nilang prenup shoot.

Baka Bet Mo: Sylvia excited na sa bonggang wedding nina Arjo at Maine: ‘Cant wait for the Big Day! Love you, my soon to be daughter-in-law!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Unang nagkakilala ang dalawa nang magsama sila para sa Metro Manila Film Fest 2018 na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”.

March 2019 nang unang aminin nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon sa publiko. Ngunit bago pa ito ay crush na ni Meng si Arjo at patunay nga ang kanyang “Arjo cutie” tweet na nag-viral at madalas gamitin ng mga netizens sa tuwing magma-manifest sila online at July 2022 nga nang ma-negage ang dalawa sa isang beach resort sa Batangas.

Talagang importante para sa dalawa ang petsang July 28 kaya kahit na hindi ganoon kaganda ang weather ay talagang walang makakapigil sa dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maine Mendoza sa ‘Eat Bulaga’ contestant: Huwag nating ipasa sa bata ang responsibilidad

Sharon Cuneta tinalakan ng netizens matapos ‘biruin’ si Maine kay Alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending