Maine Mendoza, Arjo Atayde ikakasal sa July 28

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikakasal sa July 28, bakit nga ba ‘yan ang napiling petsa?

Alex Brosas |July 02,2023
facebook
share this

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikakasal sa July 28, bakit nga ba ‘yan ang napiling petsa?

Alex Brosas - July 02, 2023 - 03:38 PM

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikakasal sa July 28, bakit nga ba 'yan ang napiling petsa?

PHOTO: Instagram/@mainedcm

Very secretive ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa details ng kanilang wedding.

Talagang hirap na makakuha ng kahit na anong detalye sa kanilang nalalapit na kasal this month.

But we’re lucky to have been told that the couple will walk down the aisle on July 28.

Pero bakit nga ba July 28 ang napili nilang petsa?

Eh kasi, special ang date na ito for the couple. Hindi lang once na nagkaroon ng special meaning ang naturang date kaya naman ito ang napili nilang wedding date.

First off, July 28, 2013 nang unang magpapansin si Maine kay Arjo. It was through a tweet in which she said “arjo cutie.”

Kaloka ito, ha, kasi hindi pa naman niya nami-meet nang personal noong si Arjo. Ito ‘yung kasagsagan niya bilang Yaya Dub sa Eat Bulaga!

Baka Bet Mo: Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’

Five years after, on July 28, 2018, nagkataon na nagkita silang dalawa nang magkaroon ng story conference for the movie “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

Si Arjo ay head ng isang drug syndicate at sa isang eksena ay kikidnapin niya si Maine dahil hinahabol siya ng mga pulis.

Since then, palaging magkasama ang ang dalawa.  Palagi silang nakikita on a date. During the early part, nasa-sight silang nagdi-dinner sa iba’t ibang restaurants.  May ilang eksena pa na nagpa-picture sila sa isang fan separately para siguro hindi mabuking na magkasama sila.

May eksena pang sumama si Arjo sa fashion gig ni Maine para sa isang makeup line sa New York.  Ang chika, nanood siya ng concert ni Maja Salvador sa US.

Meron din namang magkasama sila sa airplane kasama ang comedian na si JoKoy.  They were also seen in Taiwan for a short vacation. Maging sa Bali, Indonesia ay na-sight din sila.

And since concert-goer si Maine, sinamahan siya ni Arjo sa panonood ng ilang international artists.

Hanggang sa pictorial, join si Arjo kay Maine.

Nang mag-post nga si Sylvia Sanchez ng photos na kasama ng family niya si Maine, may isang basher ang hindi naniwala at binash ang magaling na aktres.

Anyway, noong December 21, 2019, ay first anniversary as a couple nina Maine at Arjo.

Related Chika:

Maine reynang-reyna kung alagaan ni Arjo: Parang sobra! I really ask the Lord what have I done to deserve this kind of love

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending