Sylvia Sanchez feeling lucky sa manugang: 'Maine 'Nak, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Arjo!' | Bandera

Sylvia Sanchez feeling lucky sa manugang: ‘Maine ‘Nak, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Arjo!’

Ervin Santiago |November 07,2023
facebook
share this

Sylvia Sanchez feeling lucky sa manugang: ‘Maine ‘Nak, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Arjo!’

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 07:25 AM

Sylvia Sanchez feeling lucky sa manugang: 'Maine 'Nak, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Arjo!'

Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Xavi Atayde

MULING pinasalamatan ng award-winning actress at producer na si Sylvia Sanchez si Maine Mendoza dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito kay Representative Arjo Atayde.

Emosyonal at punumpuno ng puso ang ibinahaging birthday message ng Kapamilya actress para kay Arjo sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Ibinahagi ni Ibyang ang ilang litrato nila ng kongresista kasama ang bunsong anak na si Xavi na kuha sa kanilang bonding moments.

Sa inilagay niyang caption, inalala ng beteranang aktres ang ilang tagpo sa araw ng kasal nina Arjo at Maine na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel noong July 28, 2023.

“Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.

Baka Bet Mo: Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak.

“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!” ang bahagi ng mensahe ni Ibyang sa anak.

Patuloy pa niya, “Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako. Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako. Ahahahaha!”

Kasunod nito, binati na nga niya si Arjo sa ika-33 kaarawan nito (last November 5), “Anyway, today  is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa.

Baka Bet Mo: Dennis ibinandera ang 2 ‘sikreto’ sa pagbalanse ng oras bilang artista at hands-on tatay: ‘Dapat lagi kang malakas!’

“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal ka at mahal mo ang mga in laws mo at sobbbbrang masaya ka lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine,” ang pahayag pa ni Sylvia.

Nag-thank you din siya kay Maine dahil nakikita niya kung paano nito mahalin, alagaan at irespeto si Arjo bilang asawa.

“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo.

“Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Love you nak (emojis),” sabi pa ni Sylvia gamit ang hasgtag #mendozaataydeclan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending