Zanjoe tinawag na 'responsableng tao, napakabuting asawa'

Zanjoe tinawag na ‘responsableng tao, napakabuting asawa’ ni Sylvia

Ervin Santiago |April 01,2024
facebook
share this

Zanjoe tinawag na ‘responsableng tao, napakabuting asawa’ ni Sylvia

Ervin Santiago - April 01, 2024 - 07:02 AM

Zanjoe tinawag na 'responsableng tao, napakabuting asawa' ni Sylvia

TAGOS sa puso ang naging Easter Sunday message ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez para sa celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Puring-puri ni Ibyang ang Kapamilya actor sa kanyang social media post at inisa-isa pa ang mga katangiang nagustuhan niya sa son-in-law.

Sa pamamagitan ng Facebook, inilarawan pa ng nanay ni Ria si Zanjoe na isang hulog ng langit at napakagandang regalo para sa kanyang anak.

Ipinost ni Sylvia ang ilang wedding pictures nina Ria at Zanjoe sa FB kalakip ang emosyonal niyang mensahe para sa bagong-kasal. Dito tinawag pa niyang “napakabuting asawa” ng aktor.

Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

“Walang hanggang pasasalamat Panginoong JESUS dahil binigyan mo ng napakagandang regalo ang aking si Potpot Sophia Atayde ng isang napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao,” ang simulang pagbabahagi

Patuloy pa niya, “Unang araw ko kayong nakitang magkasama alam ko nang kayo ang magkakatuluyan. Naramdaman ko yan. Mother instinct (heart emoji).

“Zanjoe Marudo, mula noon welcome ka na sa pamilya namin (laughing emoji). ginawa mo ng official noong 3-23-24.

“Sabi nga ng Daddy @xaviiart (Art Atayde) mo sa speech nya, ang aming pangatlong lalaking anak.

“Kaya officially welcome to the Family Z anak (heart emoji).

“Ang saya saya ng puso ko (praying hands emoji).

“I love you both so much Mr&Mrs Zanjoe Marudo.

“This is truly a Happy Easter Sunday to remember (praying hands and red heart emoji),” pahayag pa ni Sylvia.

Naganap ang intimate civil wedding nina Ria at Zanjoe last March 23, officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Present sa kasal ng celebrity couple ang mga kapatid ni Ria na si Congressman Arjo Atayde, kasama ang asawa nitong si Maine Mendoza, Xavi at Gela Atayde at siyempre ang parents ng aktres na sina Art Atayde at Sylvia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kampo naman ni Zanjoe, naroon ang tatay niyang si Zosimo Marudo, at mga kapatid na sina Zosanne, Zjaye, Zaniejean, at Zandro kasama ang asawa nitong si Evangeline.

Pagkatapos ng intimate ceremony,  naganap ang wedding reception sa Concept Space Manila sa Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending