Ria Atayde buntis nga ba kaya magpapakasal kay Zanjoe Marudo?

Ria Atayde buntis nga ba kaya magpapakasal kay Zanjoe Marudo?

Therese Arceo |February 23,2024
facebook
share this

Ria Atayde buntis nga ba kaya magpapakasal kay Zanjoe Marudo?

Therese Arceo - February 23, 2024 - 07:21 PM

Ria Atayde buntis nga ba kaya magpapakasal kay Zanjoe Marudo?

TRULILI kaya ang kumakalat na chikang kaya umano magpapakasal si Ria Atayde sa kanyang fiancè na si Zanjoe Marudo ay dahil buntis ito?

May kumakalat kasing blind item ngayon sa X (dating Twitter) kung saan ang aktres ang iniuugnay sa naturang blind item.

Kaya naman sa latest episode ng “Showbiz Update” ay natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs, napag-usapan nila ang recent announcement ng engagement nina Ria at Zanjoe pati na rin ang blind item.

Ayon kasi sa blind item, nabuntis umano ng aktor ang aktres na may nanay at kapatid na artista.

Tanong tuloy ni Mama Loi, “Si Ria kaya ‘yun?

Sey naman ni Ogie, marami sa mga netizens ang nagsasabi sa comment section na tila swak ang description sa Kapamilya actress na nag-announce recently ng kanyang engagement.

Baka Bet Mo: Sister ni Ria Atayde may bilin kay Zanjoe Marudo: ‘Please take care of her’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aware naman ang lahat na si Ria ay ang anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ng actor-politician na si Arjo Atayde.

Sey ni Ogie, kung totoo man na ang aktres nga talaga ang tinutukoy sa blind item ay wala namang masama.

“So alam mo, kung sakali man na ito ay totoo, hindi naman tayo para magtaka pa. Una, babae ‘yan… At saka nasa edad na si Ria. Hindi na sila mga minor para ipaalala pa sa kanila ang mga pros and cons ng pag-aasawa at pagbubuntis, sey ni Ogie.

At kung totoo man daw na buntis nga ang Kapamilya actress, wala sila sa posisyon na mag-announce ng magandang balita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung sakali mang totoo, bakit tayo mag-a-announce? Hayaan natin sila ang mag-announce no’n kung sakaling totoo na. Ibigay natin ‘yong moment na ‘yon,” sabi pa ni Ogie sa mga chikang ibinabato kay Ria.

Nitong February 23 ay inanunsyo ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram post ang masayang engagement nila ng aktor na si Zanjoe.

Paalala pa nga ng kapatid ni Ria na si Gela ay sana’y ingatan ni Zanjoe ang kanyang ate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending