Ria Atayde umaming mas mahirap maging producer kesa sa pag-arte sa harap ng camera; gustong makatulong sa movie industry
BUKOD sa pagiging artista, binibigyan din ng Kapamilya actress na si Ria Atayde ng equal attention ang pagsabak niya sa pagpo-produce.
Ayon sa dalaga, kailangan din niyang bigyan ng sapat na oras at panahon ang pagiging CEO at President ng itinayo niyang Nathan Studios kasama ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya.
Kuwento ng girlfriend ni Zanjoe Marudo, nagsimula ang pagpasok ng pamilya Atayde sa pagpo-produce ng mga pelikula at mga events noong kasagsagan ng pandemic.
“I think amidst the pandemic, there was just a demand for more content and given what happened to our network, our family felt that there was a need for us to step up and kind of offer what we could. That how we came up with Nathan Studios,” pagbabahagi ni Ria sa interview ng “Headstart” sa ANC.
“If anything, I feel like my college degree has been a huge help now more than ever. Because I took up Communications and it goes hand in hand with what we are currently doing. It’s just been fun,” aniya pa.
Ngunit aminado naman si Ria na patuloy pa rin siyang nag-a-adjust sa bagong mundo na pinasok niya, “It’s been a little bit harder. There’s a little bit attachment when it comes to the film or the series when you’re an actress, and there’s a different sort of attachment when you’re the producer. That’s what I am trying to still maneuver.”
Ang Nathan Studios ang nagdala sa Pilipinas ng Japanese film na “Monsters” na napapanood pa rin sa ilang sinehan sa bansa. Napanood namin ang naturang pelikula at hindi kami nagsisi na naglaan kami ng panahon para rito.
Baka Bet Mo: Julie Anne star na star sa New York Times Square billboard
“We want to bring the Filipino products out and we also want to bring good films and series that we see into the Philippines to kind of like widen the range of genres that we get here in the country,” sey pa ni Ria.
Ang iba pang proyektong ipinrodyus ng Nathan Studios ay ang mga original content na “Cattleya Killer”, “Misis Piggy”, at “Topakk.”
“Nathan Studios is a production outfit committed to delivering groundbreaking content.
“With different projects spanning series, movies, and live events, the studio has consistently showcased narratives that challenge conventions and resonate deeply with audiences,” ang pahayag pa Ria sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.