Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan | Bandera

Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan

Therese Arceo |October 04,2023
facebook
share this

Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan

Therese Arceo - October 04, 2023 - 05:08 PM

Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan
PINALAGAN ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa nagdaang patutsada nito laban sa kanya.

Sa kanyang nagbabalik na Facebook account, ibinahagi nito ang isang quote card ng mensahe laban sa kolumnista.

“Itong multo na ito, ayaw akong tigilan, pasalamat ka nagbago na ako kung hindi ibabalik kita sa hukay,” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya, “Nagbago na nga ako, may masasabi pa rin? Palibhasa hindi ka na nadidiligan.”

Hindi naman ito ang unang beses na pinasaringan ni Rendon si Cristy sa social media.

Matatandaang minsan na niyang tinawag na “multo” ang kolumnista matapos nitong magbigay ng opinyon ukol sa mga ginagawang pambabatikos ng social media personalities sa iba’t ibang artista sa tuwing masasangkot ang mga ito sa isyu.

Baka Bet Mo: Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa katunayan, inakala raw noon ni Rendon na patay na ang kolumnista.

At kamakailan lang nang boldyakin ni Cristy si Rendon matapos itong magbigay ng kanyang opinyon hinggil sa viral “lubid” joke ni Joey de Leon sa segment na “Gimme 5” sa noontime show na “E.A.T.”.

Sa kanyang “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez, sinabi ni Cristy na nagpapapansin lang si Rendon kaya nakikisakay sa isyu dahil nga sa mga nawala nitong social media accounts.

Sey ng kolumnista, huwag na raw bigyan ng oras ang social media personality dahil sayang lang.

Hirit pa niya laban kay Rendon, “Unang-una walang naghahanap sa kaniya. Maraming maligaya na nawala siya. Hindi siya hihingan ng opinyon kung ang ibibigay lang naman niya ay kontra sa buong mundo. Hindi ka hahanapin.”

Ngunit nitong October 2 pang nang muling magbalik ang motivational speaker sa Facebook matapos ma-delete ang kanyang account noong September 7.

Wala pa namang pahayag si Cristy ukol sa mga sinabi ni Rendon laban sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador lumaki sa kalinga ng ex-convict: Marami rin akong pinagdaanan sa buhay’

Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: ‘Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending