Rendon Labador lumaki sa kalinga ng ex-convict: Marami rin akong pinagdaanan sa buhay’
KNOWS n’yo bang lumaki at nagkaisip ang kontrobersyal na motivational speaker na si Rendon Labador sa kalinga ng isang ex-convict?
Yan ang inamin ni Rendon sa interview ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel nito.
Sa isang bahagi ng vlog, natanong ni Papa O si Rendon kung ano ba ang kanyang narating sa buhay para pakinggan ng mga tao ang kanyang mga pinagsasasabi.
“Ako po kasi, marami akong pinagdaanan. Anak po ako ng general. PMAer. So, matinding disiplina ‘yung in-instill sa amin ng mga magulang ko,” pahayag ng social mediapersonality.
Inamin din niya na lumaki siyang walang magulang. Ang nangyari raw, may giyera noong nagtapos ang kanyang tatay sa pag-aaral kaya ipinaalaga muna siya sa kanilang kamag-anak.
“Tapos, by that time na kinuha na nila ako, nag-alaga naman sa akin, ex-convict. ‘Yun ‘yung yaya ko. Parang yaya ko,” pagbabahagi ni Rendon.
Patuloy pa niyang chika, may mga preso raw noon na nananatilo sa presinto kahit tapos na ang kanilang sentensiya dahil wala na silang babalikang pamilya sa labas ng kulungan.
Baka Bet Mo: Jeffrey Tam may napansing lumaki sa isang bahagi ng katawan ni Alden…ano kaya yun?
Nagsisilbi raw ang mga ito sa mga pulis bilang mga tagatimpla ng kape o tagalinis ng kulungan.
View this post on Instagram
“So, eventually kasi, may papalit na presyo na lalaya. So, mawawalan siya ng space. So, ngayon si Erpat naman nakita na totoo namang nagbago na ‘tong tao na ‘to, kinuha niya para alagaan ako,” aniya pa.
“So ngayon, gusto kong i-share ‘yung mindset, ‘yung tapang, ‘yung perspective. Baka kasi makatulong,” ani Rendon.
Reaksyon ni Ogie, “Hindi naman ‘yung pagiging utak kriminal?”
“Hindi naman, hindi naman. Alam mo ba, ‘yung mga taong ganoon, they have my respect. ‘Yung mga nagbago na. Wala namang ipinanganak na masama, e.
“Hindi naman porke’t nakagawa ‘yan ng kung anong kaso e masama na ‘yan habang-buhay. Naniniwala ako sa tao na kaya nating magbago,” ang paniniwala pa ni Rendon.
Matatandaang nag-sorry din si Rendon kina Vice Ganda, Michael V., Coco Martin at iba pang celebrities na tinira-tira niya sa kanyang mga video sa Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.