Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, 'You're gonna be the next Dingdong Dantes' | Bandera

Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes’

Ervin Santiago |June 30,2022
facebook
share this

Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes’

Ervin Santiago - June 30, 2022 - 08:46 AM

Dingdong Dantes, Bianca Umali at Ruru Madrid

“I WOULD consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me.” Ganyan inilarawan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid si Bianca Umali.

Ayon sa hunk actor, espesyal ang Kapuso actress-singer sa buhay niya at isa ito sa talagang nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin sa publiko nina Bianca at Ruru ang tunay na estado ng kanilang relasyon pero ayon sa aming source magtatatlong taon na silang nagmamahalan.

Sa panayam ng “24 Oras” natanong ang lead star ng bagong action-fantasy-adventure series ng GMA na “Lolong” kung ano ba talaga ang papel ni Bianca sa buhay niya.

At dito nga niya inamin na isa ang dalaga sa maituturing niyang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Sabi ni Ruru, mahirap din ang pinagdaraanan nila ni Bianca dahil pareho silang nasa showbiz kung saan lahat ng kilos at galaw nila ay nakikita ng mga tao.

“It’s hard, sobra, sobrang hirap. Kasi totoo yung sinasabi ng mga tao na bawat…kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila.

“It’s not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang,” katwiran ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Matatandaan na noong October, 2018, ay sabay na nagpa-tattoo ng matching rose ang Kapuso couple at pagsapit naman ng November ay naispatan silang magkasama sa Siargao.

Pagkatapos nito, nagsunud-sunod na ang paglabas ng mga sweet photos ng dalawa sa social media kabilang na ang mga litrati nila na magka-holding hands at nakasuot ng matching white sneakers.

May isa pang post si Ruru last year sa Instagram kung saan tinawag pa niya si Bianca na “my-hal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Samantala, inamin naman ni Ruru na napakarami niyang pinagdaanang pagsubok nitong mga nagdaang taon. Kasabay nito ang pag-amin niya na totoong may pagkakataon na lumaki ang kanyang ulo.

Sabi ng binata, marami siyang realizations sa buhay noong kasagsagan ng pandemya at dito nga niya natutunan ang magpakumbaba.

“Palo rin siya sa akin, e, na lumaki ang ulo ko. When I was doing Encantadia, I felt na wala nang makakapigil sa akin.

“Everyone was saying na, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes.’

“Feeling ko kasi noong mga panahon na yun, lahat nabigay sa akin. Yung mga pangarap ko dati, sabay-sabay siyang nangyari sa isang moment. Na-overwhelm ako,” ani Ruru.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa darating na Lunes na, July 4, magsisimula ang pinakaaabangang action-adventure series ng GMA na “Lolong” after “24 Oras.”

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending