Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko Bandera

Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko

Ervin Santiago May 25, 2022 - 06:51 AM

Dimples Romana

NAKIKIPAGLABAN ngayon ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa matinding anxiety ngayong nasa third trimester na siya ng kanyang pagdadalang-tao.

Inamin ng “Viral Scandal” actress na medyo challenging ang pagbubuntis niya ngayon kaya hindi maiiwasan na makaramdam siya ng kaunting takot at pangamba, idagdag ang pagkapraning ng pagiging nanay.

Pagkatapos niyang ipakita sa madlang pipol ang litrato ng sonogram ng kanyang third child, nag-share uli si Dimples ng ilang important details sa kanyang pregnancy journey.

Sa kanyang Instagram post nitong nagdaang Lunes, May 23, ibinalita nga niya na nagkakaroon siya ngayon ng anxiety issues dahil na rin sa mga nababasa niyang comments mula sa mga netizens, lalo na sa mga mommy.

Narito ang caption ng aktres sa kanyang latest IG photo, “Few more days til my tummy turns 8 months…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“Battling severe anxiety in the morning bilang ang daming nagtatanong kung lumaki na daw ba ilong ko or kung nag iba na daw ba ang face ko.

“Kasi ganun daw pag boy ang ipinagbubuntis bakit kayoooo ganyaaaannn. Proof of current situation (ang bagong litrato na ipinost niya sa social media).

“So far I find it quite helpful to massage my face daily with skin care, drink fortima twice daily for immunity and skin health aaaand try not to eat as much sugar and sodium,” pahayag ng celebrity mom.

Pagpapatuloy pa niya, “Bukas magtry ako mag picture ulit baka sakaling magbago yung ilong ko na since 8 months na akong buntis pero sa ngayon, parang wala pa naman. Meron na ba????

“Good morning to all the preggy mommas who are dealing with anxieties and worries every single day! We GOT THIS!” ang huling bahagi ng kanyang mensahe.

Nauna rito, in-announce rin ni Dimples at ng kanyag non-showbiz husband na si Boyet Ahmee na ang magiging pangalan ng ikatlo nilang anak ay Elio na may iba’t ibang meaning sa tatlong magkakaibang lengguwahe.

“Elio from the French origin means ‘My God is the Lord’ while, in Italian, the baby name Elio is the variation of Aelius or Helios.

“Helios is the Greek god of the sun,” ang sabi ni Dimples sa isa niyang IG post.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Bakit ilang beses nang nagparetoke ng ilong at boobs si Kitkat?

Relasyong John Lloyd-Ellen dumaan sa matinding pagsubok: Ang daming nangyari

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending