Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: 'Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public' | Bandera

Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: ‘Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public’

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: ‘Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public’

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 07:14 AM

Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: 'Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public'

Rendon Labador at Toni Fowler

NANAWAGAN ang social media personality na si Rendon Labador sa sexy vlogger at aktres na Toni Fowler na tigilan na ang pagpapakita ng pwet at boobs sa social media.

Ayon kay Rendon, dapat daw magbago na ang content creator at “FPJ’s Batang Quiapo” star dahil nagbago na rin siya ngayon.

Nagkomento ang motivational speaker sa sinabi ni Toni na handa siyang harapin ang mga kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI).

“Toni nagbago na ako, sana magbago ka na rin,” ang comment ni Rendon sa news report tungkol kay Toni na ni-repost niya sa kanyang Instagram story nitong Lunes, Oktubre 2.

“Wala na sanang kabastusan at huwag mo na pakita yung pwet at dede mo sa public, akala mo kasi gusto namin makita yan pero hindi,” ang dugtong pang mensahe ng binata.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: ‘Napakabooty n’yo pong tao…’

Pahabol pa niya, “Lablab na para sa Pilipinas #StayMotivated #PrayForToni.” Hinikayat pa nito ang vlogger na mag-issue rin ng public apology sa lahat ng mga na-offend sa kanyang sexy videos.

Noong September 27, kinasuhan ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas si Toni dahil umano’y mga malalaswang content sa kanyang YouTube channel.

Sey ni Toni, handa siyang lumaban nang patas at nangakong haharapin ang mga criminal case na isinampa laban sa kanya.

“Gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin.

“Dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin,” aniya.

Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa ‘The Wife’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco ayaw nang magpakita ng pwet, never magpo-frontal nudity dahil kay Cristine: ‘Ay, no! May magagalit na! Hindi pwede!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending