Toni Fowler pumalag sa kasong kriminal na isinampa ng KSMBPI: Wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako
PINALAGAN ng social media personality na si Toni Fowler ang kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI).
Nitong Biyernes, September 29, nag-post ang kilalang vlogger sa kanyang Facebook page ng official statement hinggil sa kasong kinakaharap.
“Noong Miyerkules, opisyal na isinampa ng KSMBPI ang kaso laban sa akin dahil daw sa paglabag ko sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Ayon sa kanila, nilabag ko ang batas dahil sa tema ng aking kantang ‘MPL’, kasama ang mga napanood nila sa music video nito,” panimula ni Toni.
Pagpapatuloy niya, “Ayon din sa kanilang media interview, kab*stusan ang kanta pati na rin ang mga ‘s3x organs’ na ipinakita ko daw sa music video.”
Isa-isa ring pinuna at sinagot ni Toni ang mga “kasinungalingan” ibinabato sa kanya ng KSMBPI.
“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t kriminal ang ikinakaso ninyo laban sa akin. Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling.
Baka Bet Mo: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal dahil sa 3 ‘malalaswang music video’
View this post on Instagram
“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili. Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao. Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko – akin ito at hindi sa inyo.,” lahad pa ni Toni.
Aniya, walang karapatan ang samahan na pagbawalan at sabihin kung ano ang dapat niyang gawin o iasta.
“Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko —gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap,” sabi pa ni Toni.
“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae. Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys.”
Giit pa niya, kung sakali man daw na ipakita niya ang sariling ari o anumang pribadong bahagi ng katawan niya sa isang pelikula o music video ay wala raw pakialam ang naturang organisasyon dahil hindi naman niya inobliga ang mga ito na manood.
Ayon pa kay Toni, kung nagawa raw ng KSMBPI na magsampa ng kaso, sana raw ay nag-research ng maigi ang mga ito dahil nag-upload naman daw siya ng behind the scenes ng music video ng kanyang mga kanta at makikita naman daw na hindi alak kundi juice ang kanilang ininom ng mga kasama.
Sinabi rin niyang “daya” ang kanilang ginawa for artistic purposes at hindi para i-promote ang pag-inom ng alak kundi para ipakita ang reyalidad.
Hirit pa ni Toni, “Hindi naman bawal ipakita sa pelikula o TV ang mga bawal sa batas dahil kung ganon, bakit maraming eksena ng p@tayan ang naeere sa prime time, hindi ba? Nakakatawang isipin na tila ba hindi nag-e-exist ang salitang ‘props’ o ‘daya’ na ang isang eksena ng inuman ay kailangan alak talaga ang ipainom para ipaliwanag ko pa ito ngayon. Hindi naman ako ang kauna-unahang gumawa ng ganitong eksena sa balat ng pelikula o telebisyon, pero bakit parang kasalanan ko?”
Punto pa niya, wala raw minor na gumawa ng sekswal na eksena sa kanyang music video. Inihambing pa nga niya ang mga ginagawa ng teenage actors na may sexual scene tulad ng mga eksenang panghahalay na ipinapalabas sa TV at pelikula.
Sinabi rin ni Toni na hindi na dapat sini-censor ang usaping sekswal sa mga kabataan.
“Hindi dapat nakakaramdam ng pandidirii at pagkahiya ang kahit na sino pa pag pinag-uusapan, napapanood, o naririnig ang sekswal na parte ng ating katawan o ang mismong ideya ng pakikipagt@lik dahil mas itinutulak nito ang karamihan para maging bukas at matapang sa iba pang usaping konektado dito tulad ng panghahal@y, hindi planadong pagbubuntis, at iba pang bagay na kadalasang kaming mga kababaihan ang nakakaranas.”
Buong tapang ring haharapin ni Toni ang mga kasong isinampa sa kanya ng KSMBPI.
“Sa huli, gusto kong sabihin sa ino na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain nino laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag nino sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin,” sey pa niya.
Bago si Toni, sinampahan rin ng KSMBPI ang “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa umano’y mahalay raw na pagkain ng dalawa ng icing sa segment na “Isip Bata”.
Related Chika:
Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.