'Ang Seksing Multo sa SocMed House' bagong pelikula ng KSMBPI; finale ng 'Lyric And Beat' pasabog | Bandera

‘Ang Seksing Multo sa SocMed House’ bagong pelikula ng KSMBPI; finale ng ‘Lyric And Beat’ pasabog

Reggee Bonoan - September 21, 2022 - 08:30 AM

Ang mga contestants sa ‘Socmed House’ online reality show

NAALIW kami sa titulo ng bagong pelikulang gagawin ni Direk Jeremeiah Palma mula sa KSMBPI (Kapisanan Ng Mga Social Media Broadcasters Sa Pilipinas) Film Division.

“Ang Seksing Multo sa SocMed House” ang title nito ayon mismo kay Doctor Michael Aragon dahil kuwentong multo ito ng mga housemates sa online reality show nilang “SocMed House”.

Napapanood ito sa Facebook page ng KSMBPI at KRTV YouTube channel kung saan may 10 housemates per week na titira sa “Bahay ni Direk Miah.”

Inamin ng isa sa housemate na nakakita siya ng black and white aura sa loob ng “SocMed House” pero hindi niya ito ikinuwento sa mga kasama para hindi sila magkatakutan. 

Sa nasabing show ay ipinapakita kung paano sumailalim ang 40 housemates sa iba’t ibang workshops, challenges and training para maging mahusay silang artista. At bilang tulong sa mga talents, ipagpo-produce sila ng KSMBPI Film Division ng isang pelikula na ididirihe rin ni direk Miah.

Say ni Doc Aragon, “Lahat silang 40 housemates ay kasama sa movie. Ang mga roles nila ay base sa kanilang magiging ranking sa show which will be based via online voting. ‘Yung pinakamataas na score ang magiging bida.”

Bukod sa 40 housemates ay may mga kasama ring mga kilalang aktor at aktres mula sa pangangalaga ni Jojo Veloso at feeling namin ay nakagawa na ang mga ito ng pelikula at ipinalabas na sa Vivamax.

Kasalukuyang binubuo pa ang line-up at in-assure Doc Michael na de-kalidad ang pelikula at maipagmamalaki hindi lang dito sa bansa kungdi maging sa international market dahil gagamitan ito ng teknolohiya na hindi pa raw nagagawa ng sinumang filmmaker kahit sa international.

“We would like to let the world know that Filipino filmmakers are way, way capable and can deliver. Pinag-aralan talaga namin ito nang husto and every now and then ay may changes kaming ginagawa sa film para lalong mapaganda,” ani Doc Michael.

Samantala, nang makaharap namin ang siyam na “SocMed” housemates nitong nakaraang Huwebes ay makikita na ang kanilang excitement at sisimulan na nilang umarte sa harap ng salamin dahil finally magkakasama na sila sa pelikula na matagal na nilang pangarap.

Ang ilan sa mga ito ay estudyante at ngayon palang ay nagpaalam na sila na in case magsisimula na ang shooting ay nakapagpaalam na sila sa kanilang mga teachers.

* * *

Isang pasabog na performance ang dapat abangan mula kina Lyric (Andrea Brillantes) at Beat (Seth Fedelin) sa unang paghaharap nila sa grupo ni Grae (Kyle Echarri) sa pinaka-inaabangang sing and dance showdown sa finale ng “Lyric and Beat,” na mapapanood ngayong Biyernes (Setyembre 23) ng 8 p.m. (Manila time) sa iWantTFC.

Malapit nang matupad ang pangarap nina Lyric at Beat kaya todo-todo na ang paghahanda nila kasama ang kanilang Team Werpa para sa prestihiyosong national championships, kung saan makakalaban nila ang sikat na grupong Modern Pop, na pinangungunahan ni Grae. 

Mas nabigyan ng pag-asa ang Team Werpa na kaya nilang manalo dahil nakipagsanib-pwersa na sa kanila ang Prime Belters, ang dati nilang karibal. Napapayag ni Cadence (AC Bonifacio) ang best friend niyang si Jazz (Darren Espanto) na sumali sa Team Werpa dahil sa tingin niyang mas mapapansin ang kanilang galing at talento kung nasa isang grupo sila. 

Matinding showdown ang haharapin ng Team Werpa kaya kailangan nilang magpakitang gilas sa mga hurado at dapat nilang patunayan na kaya nilang tapatan ang husay ng hinahangaang grupo ng Modern Pop. 

Pero bago pa nito, kailangan munang ayusin ng Team Werpa ang kani-kanilang mga problema. Nag-away kasi sina Lyric, Jazz, at Melissa (Sheena Belarmino) nang malaman nilang magkakapatid pala sila. Lalala pa ang problema dahil kay Viola (Agot Isidro), ang ina nina Jazz at Melissa, kasi desidido pa rin siyang pahiyain at pahirapan si Lyric. 

Samantala, may namuo nang love triangle sa pagitan nina Lyric, Beat, at Grae. Gusto nang aminin ni Beat ang tunay niyang nararamdaman para kay Lyric, bago pa siya maunahan ni Grae, na naging malapit na sa dalaga. 

Matatalo kaya ng Team Werpa ang Modern Pop? Sino kina Beat at Grae ang magwawagi sa puso ni Lyric?

Mapapanood nang libre ang finale episode ng “Lyric and Beat” ngayong Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). 

https://bandera.inquirer.net/322413/sexy-star-natagusan-habang-nasa-lock-in-taping-ipinalinis-sa-personal-alalay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319223/andrea-seth-kyle-ac-magpapasabog-ng-kilig-at-good-vibes-sa-lyric-and-beat-bakit-na-shookt-si-jonathan-manalo
https://bandera.inquirer.net/323987/9-talentadong-kabataan-patibayan-paistaran-sa-online-reality-show-na-socmed-house-ng-ksmbpi
https://bandera.inquirer.net/319823/awra-briguela-single-pa-rin-wala-ring-manliligaw-takot-na-kasi-uli-ako-magdyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending