Toni Fowler: Sinira ko 'yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak | Bandera

Toni Fowler: Sinira ko ‘yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak

Therese Arceo |March 11,2023
facebook
share this

Toni Fowler: Sinira ko ‘yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak

Therese Arceo - March 11, 2023 - 11:11 PM

Toni Fowler: Sinira ko 'yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak

TAHASANG inamin ng vlogger na si Toni Fowler na kinausap niya ang kanyang anak na si Tyronia patungkol sa kanyang kontrobersyal na “MPL” music video.

Sa kanyang interview sa YouTube vlog mg co-actor niyang si Ghost wrecker ay natalakay nila ang naturang music video at ang reaksyon niya sa mga pamba-bash na natatanggap.

“Noong una, nasasaktan ako… siyempre expected na talagang iba-bash talaga ako ng tao kasi hindi naman ‘yun para sa lahat. Pero siyempre, alam kasi nila ‘yung weakness ko. , ‘yung anak ko. Kapag dinawit na nila ‘yung anak ko, ‘masasaktan ka namin’ which is very nice, very effective talaga pero tina-try ko siyang i-handle ” saad ni Toni.

Kaya naman kinakausap niya ang taong lubos na apektado sa kanyang ginagawa at ito nga ay si Tyronia.

“Palagi kong sinasabi sa kanya na ‘Ito ‘yung trabaho ni mommy. Napakahirap kasing kumita ng pera sa Pilipinas lalo na kung katulad ko na wala kang utak, bobo ka, wala kang pinag-aralan. Napakahirap, anak. Anumang gawin ni Mommy na trabaho, anuman ang ginagawa ko ngayon, ang mahalaga hindi mo ito gagawin paglaki mo dahil nag-hustle ako para sayo’,” pagbabahagi ni Toni.

Ang laging sagot naman ni Tyronia sa kanya na siyang nagpapolakas ng loob niya, “Alam mo Mommy, hindi ko po alam anong sinasabi nila [kung] bakit mo ‘yan sinasabi sa akin pero lagi ko lang pong sasabihin sa ‘yo, natatawa lang po ako sa sinasabi nila kasi ang cool mo, e. Ang cool mong mommy.”

Baka Bet Mo: Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma

“Hanggang maari talaga, kaya ko nga ginawa lahat para hindi siya matulad sa buhay ko pero kung pipiliin niya na maging gano’n, desisyon na niya ‘yun. Basta ang masasabi ko lang, ginawa ko ‘yung best ko. Ginawa ko lahat para hindi siya masira.

“Lagi ko ngang sinasabi, ‘Anak, oo masakit man itong sabihin. Oo, sige, pangit manggaling sa nanay pero sinira ko ‘yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak,” naiiyak na sabi ni Toni.

Samantala,proud na proud si Toni sa anak dahil lumalaki itong maayos sa kabila ng mga ibinabatong masasakit na salita laban sa kanya at sa mga kumukwestiyon kung anong klaseng ina siya.

“Ang gusto ko kay Tyronia… nagsasabi [siya] ng no. Kasi sa totoo lang sa Pilipinas, sa mga babae, kaya ang daming nagkakaroon ng mga kung anu-anong case sa pang-aabuso kasi they can’t say no.

“Kaya ‘yung anak ko pinapalaki ko ng ‘Anak, kahit mommy mo, may free will kang magsalita’,” taas noong sey ni Toni.

Tingin naman ni Wrecker ay lalaking maayos si Tyronia dahil matalino itong bata at kaya nitong tumayo sa sarili niyang paa.

Mensahe naman ni Toni sa kanyang mga bashers, “Sa mga galit sa akin pero pinanood pa rin ‘yung video ko, thank you so much sa panonood kasi ako pa rin naman ang pumera doon. Yung naman din ang goal ko e… Huwag kayong mag-alala, lulupitan ko pa next time.

“Baka next time maghubad na talaga ako. Abangan n’yo ‘yan. Bahal kayo sa mga anak n’yo. Alagaan niyo. Bantayan n’yo kasi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending