Toni Fowler tatanggalin nga ba sa 'Batang Quiapo' dahil sa kontrobersyal na music video? | Bandera

Toni Fowler tatanggalin nga ba sa ‘Batang Quiapo’ dahil sa kontrobersyal na music video?

Ervin Santiago |March 07,2023
facebook
share this

Toni Fowler tatanggalin nga ba sa ‘Batang Quiapo’ dahil sa kontrobersyal na music video?

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 06:49 AM

Toni Fowler tsinugi nga ba sa 'Batang Quiapo' dahil sa kontrobersyal na music video?

Coco Martin at Toni Fowler

KALAT na kalat na ang chika na tsutsugihin na raw ang sikat na content creator na si Toni Fowler sa Kapamilya action-romcom series  na “Batang Quiapo”.

Ito’y dahil daw sa kontrobersyal na “MPL” music video ng vlogger na naging hot topic sa social media at ng ilang Marites dahil sa umano’y malaswang content nito.

Kamakailan, binalaan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto si Toni Fowler dahil nga sa nasabing video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Huwag daw gamitin ng YouTuber at ng mga kasamahan nito ang “SPG” rating ng MTRCB dahil never naman daw itong dumaan sa nasabing ahensiya. Ani Chair Lala kung ni-review raw ito ng MTRCB ay X rating ang ibibigay nila rito.

Nauna nang sinabi ng Team Fowler na ang “MPL” music video ay restricted at hindi para sa general o universal audience.

Kaya naman ang tanong ng kanyang fans, totoo ba na tatanggalin na siya sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin dahil sa kinukuwestiyon at inirereklamong music video na ginawa niya.

Sa inilabas niyang TikTok video, ipinagdiinan ni Toni na walang katotohanan ang tsismis at pinaalalahanan pa ang kanyang mga tagasuporta na huwag basta maniniwala sa mga fake news.

“To answer your question, hindi po ako natanggal sa ‘Batang Quiapo.’ Alam niyo ang daming nag-iisyu na natanggal daw po ako kesyo hindi na po ako napapanood,” simulang paglilinaw ng vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Aniya pa, “Pero sa totoo lang, ishi-share ko rin sa iyo ang thought ni Mommy Oni, sa totoo lang in-expect ko talaga na after ng ‘MPL’ ay matatanggal ako.

“Kumbaga bahala na. Pero hindi naman po ako natanggal dahil hindi naman po ako sa TV kumanta noon.

“So malayong-malayo po. Nasa ibang platform po ako which is doon sa restricted adults only. At alam niyo naman ang TV ay hindi po para sa contents ko na ganoon,” sabi pa niya.

Napanood pa si Toni sa umereng episode ng “Batang Quiapo” last Friday kaya mukhang hindi naman naapektuhan ang trabaho niya sa serye ng kontrobersyal niyang music video.

Wait na lang tayo kung present pa si Toni sa mga susunod na episode ng serye. Kapag bigla na lang siyang nawala, alam n’yo na ang ibig sabihin niyan, ha!

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending