Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma | Bandera

Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma

Therese Arceo |February 16,2023
facebook
share this

Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma

Therese Arceo - February 16, 2023 - 05:23 PM

Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma

MARAMI ang nawindang sa bagong kanta at music video ng social media influencer na si Toni Fowler na “MPL”.

Tila hindi ito nagustuhan ng madlang pipol lalo na ang music video dahil sa mga halos hubad na katawan nila sa music video na hindi kaaya-ayang mapanood lalo na ng mga bata.

Makikita kasi sa music video si Toni kasama ang mga babaeng miyembro ng ToRo family na nasa isang bar at nag-iinuman at makalipas ang ilang sandali ay naging wild at tila kinulang na sa tela ang mga kasuotan.

Sey ng mga netizens, malaswa raw ang naturang video at ang pangamba nila dahil baka mapanood ito ng mga bata lalo na at madali itong ma-access dahil nasa YouTube ito at marami sa mga chikiting ang mahilig manood rito.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)

May ilan pang nag-worry dahil buntis ang isa sa mga kasama niya sa video at mayroon pang menor de edad.

Agad ngang nag-trending sa Twitter si Toni dahil sa pagsaway sa kanya ng mga netizens at pag-call out sa kanyang music video.

Narito ang ilang mga komento mula sa madlang pipol:

“Grabe naiimagine ko yung mga batang napanuod na yung MV ng MPL ni Toni Fowler. Sobrang disturbing nya lalo na at may buntis na umiinom, may menor de edad, and mga nanay na nakikipaglap-lapan. Ang mga bata pa man din ka ngayon kung anong makita nila, akala nila tama na.”

“I’m just wondering how your daughter will react to this in the future. She would be the center of judgments of her peers by the time she reaches her teenage life.”

“Shocks! Minsan gusto ko na din questionin pagiging nanay nung toni fowler sa mga pinaggagawa nya. Napadaan sa news feed ko ung music video nya. Jusko po! May anak ka pa babae girl.”

Mukha namang deadma lang sa bashers ang social media influencer dahil nag-post pa ito sa kanyang Facebook account.

“SALAMAT PO SA MGA NAGBA-BAASSHH SA BAGO KONG KANTA #MPL MASYADO NYO KONG PINAPAYAMAN HAHA! LABYU,” sey ni Toni.

Related Chika:
Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Toni Fowler nasaktan para kay Alex: ‘Ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka!’

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending