Toni Fowler nasaktan para kay Alex: 'Ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka!' | Bandera

Toni Fowler nasaktan para kay Alex: ‘Ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka!’

Ervin Santiago |January 19,2023
facebook
share this

Toni Fowler nasaktan para kay Alex: ‘Ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka!’

Ervin Santiago - January 19, 2023 - 11:10 AM

Toni Fowler nasaktan para kay Alex: 'Ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka!'

Toni Fowler at Toni Gonzaga

FEELING ng content creator na si Toni Fowler ay kailangan na rin niyang magsalita tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kapwa niya vlogger na si Alex Gonzaga.

Grabe na raw kasi ang natatanggap na batikos at pagka-cancel ng madlang pipol sa TV host-actress dahil sa ginawa nitong pamamahid ng cake sa waiter na si Allan Crisostomo sa kanyang birthday salubong noong January 15.

At hindi lang mga ordinaryong netizens ang bumabatikos kay Alex kundi pati na rin ang ilang celebrities tulad nina DJ Mo Twister, Arnold Clavio, Ralph Salazar at iba pa.

Ayon kay Toni, hindi niya dinedepensahan o ipinagtatanggol si Alex sa ginawa nito sa waiter pero parang kriminal na raw kasi kung ituring ng mga tao ang kapatid ni Toni Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


“May mga taong minsan hinihintay ka lang na magkamali. Pag hinintay kang magkamali, doon maglalabasan yung mga artista na magsasabing ‘nakatrabaho ko yan, ang pangit ng ugali, kesyo ganito,’” pagbabahagi ni Toni sa panayam ng “Wag Po!” sa One PH kahapon.

Sey pa ni Toni, sa dami raw ng mga kaibigan ni Alex sa entertainment industry ay iilan lamang ang nakita niyang nagtanggol sa aktres at TV host

“Ang nakakalungkot, naghintay ako, kagabi hanggang mag-umaga, naghapon na. Nag-post ako noong tanghali, hanggang sa maggabi wala pa ring nagsasalita para kay Alex.

“So ako, gusto ko rin i-share yung experience ko kay Alex, na napakabait ni Alex. I think puwede kong i-share yon kasi nakasama ko siya ng ilang beses na,” saad ni Toni.

Kinol-out din niya ang mga vlogger na naka-collab ni Alex na nanahimik lang habang binubugbog ng haters, “Itong mga taong to, ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka.

“Meron din namang mga tao na nagawan mo ng mabuti, and I think ayun yung tamang gawin na magsalita ka rin naman, na hindi naman masama yung tao, nagkamali lang. Meron din namang nagaspangan.

“Pero ang sa akin lang, nasaktan ako sa rami kasi ng gumamit sa kanya, sa fame niya, walang lumantad,” pagtatanggol pa niya kay Alex.

Paglalarawan pa niya sa TV host, “Okay naman siya. Wala akong masabi. Ang sa akin lang, ang hirap kasing magkamali sa Pinas.

“Alam mo, lahat ng magandang ginawa niya, lahat ng ginawa niya sa vlog niya mapatawa lang yung mga nagtatrabaho na napagod sa pagtatrabaho nila, parang nabura sa isa lang na pagkakamaling ginawa niya,” ang sentimyento pa ng vlogger.

Mensahe pa niya sa madlang pipol, “Hindi ko sinasabi na tama yung ginawa niya, mali pa rin. Pero siyempre, huwag naman nating kalimutan na tao lang din siya at once ay magpatawad din naman tayo.”

Personal nang pinuntahan ni Alex ang waiter na si Allan at nag-sorry sa kanyang ginawa. Humingi rin siya sa lahat ng na-offend at nasaktan sa pagbibiro niya pati na sa kanyang pamiyla na nadamay din sa issue.

Bea ingat na ingat ngayon sa relasyon nila ni Dominic: Nakakahiyang paulit-ulit magkamali

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending