Rendon Labador nagbabalik Facebook: Lablab muna tayong lahat
SUPER happy ang social media personality na si Rendon Labador nang ibandera niya ang kanyang pagbabalik Facebook.
Nitong Lunes, October 2, muling nagbabalik sa naturang social media platform ang kontrobersyal na self-proclaimed motivational speaker matapos ang pagkakabura ng kanyang account noong September 7.
“I’m back!!! Namiss nyo ba ako? Kumusta kayong lahat, Pilipinas???” bungad ni Rendon.
Dagdag pa niya, “Lab lab muna tayong lahat, ayos ba?”
Makikita ang mga hashtags na “#LabLabLabador” at “#stayMotivated” sa post ni Rendon.
Chika pa niya sa comment section, masarap raw sa pakiramdam ang magbago.
Baka Bet Mo: Rendon Labador tumiklop, humingi ng sorry kina Vice Ganda, Michael V, at iba pang binatikos online
View this post on Instagram
Hirit pa ni Rendon, “Ang sarap pala mag mahal [heart emoji].”
Matatandaang noong nakaraang buwan lang nang magreklamo ang social media personality ukol sa diumano’y pagma-mass report ng madlang people sa kanyang social media account.
Una nang nawala ang TikTok account ni Rendon at pagkatapos ay ang kanyang Facebook page naman ang nawala.
Marami naman sa mga netizens ang nagdiwang sa pagkawala ng kanyang ibang social media accounts dahil na rin sa hindi na makatarungang pamumuna nito sa mga artista sa social media.
Sa kanyang nakaraang interview sa talent manager na si Ogie Diaz ay humingi na ng tawad si Rendon sa kanyang mga nasagasaang mga artista gaya nina Michael V at Vice Ganda.
“I’m apologizing.
“I’m trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Iyon din naman yung regret ko talaga. I’m trying to be better,” sey ni Rendon.
Related Chika:
Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’
Rendon Labador nagulat kay Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to
Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.