Philmar naka-1 million followers na sa FB, hirit ng netizens: ‘Dahil sa 224!’

PHOTO: Facebook/Philmar Alipayo
KAHIT nagkaroon ng isyu, lalong dumami ang followers ni Philmar Alipayo sa social media.
Akalain niyo, umabot na sa isang milyon ang nagfo-follow sa kanya sa Facebook!
Ang latest milestone na ito ng professional surfer ay ibinandera niya mismo sa isang FB post upang magpasalamat.
“Maraming salamat, nakaabot na tayo sa 1M,” bungad niya sa caption, kalakip ang screenshot ng kanyang account na ipinapakita ang bilang ng kanyang followers.
Baka Bet Mo: Andi sa chikang ‘divorced’ na sila ni Philmar: I had never been married!
Sey niya sa kanyang native language, “Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at tumutok sa akin.”
“Tuloy-tuloy lang tayo!” aniya pa.
Sa comment section, maraming netizens ang nagsasabi na kaya lang dumami ang followers ng Siargao-based surfer ay dahil sa alitan sa pagitan ng kanyang fiancee na si Andi Eigenmann at kaibigang foreigner na si Pernilla Sjoo.
“Kung wala ang issue wala mag increase,” sey ng isang netizen na sinagot naman ni Philmar na translated sa Tagalog: “Salamat dahil isa ka sa mga nagmamahal sa akin.”
“Napalike ako dahil kay Andi, Philmar, wag ka!” wika ng isang nagkomento.
Ang reply diyan ng fiance ni Andi, “Ay thank you pa rin.”
“Ng dahil sa 224,” lahad ng isa pang Facebook user.
Ang hirit diyan ni Philmar, “Dahil sayo [kiss emoji].”
Magugunitang si Pernilla ang tinutukoy na third party umano sa relasyon nina Andi at Philmar matapos ibandera ng una ang matching “224” tattoos nila ng surfer na ang ibig sabihin ay “Today, Tomorrow, Forever.”
Kasunod niyan ay ang posts ni Andi patungkol sa isang kaibigan na inahas siya.
Walang binanggit na pangalan ang dating aktres, pero very obvious na si Pernilla ang kanyang tinutukoy dahil nga sa nabanggit na couple tattoo.
Gayunpaman, nilinaw ni Andi na hindi nag-cheat sa kanya si Philmar, kundi ang nasabing dayuhang babae ang nagtaksil sa kanya.
Hindi rin naman nagtagal, nagkaayos ang couple na kung saan sinorpresa pa nga ni Philmar si Andi nitong Valentine’s Day.
Binigyan niya ito ng bouquet na mula sa mga pinitas na mga dahon, bulaklak, at dahon ng saging.
Sina Andi at Philmar ay na-engage noong 2020 at ikakasal na sana last year, ngunit biglang pumanaw ang ina ng celebrity mom na si Jaclyn Jose kaya hindi ito natuloy.
Ang couple ay may dalawang anak na sina Lilo at Koa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.