Philmar, kaibigang dayuhan nagpa-tattoo ng ‘224’, ‘I love you’ ba ang meaning?

PHOTO: Screengrab from Facebook
TRULILI kaya na ang ibig sabihin ng numerong 224 ay I love You at ang 831 224 ay I love you today, tomorrow, forever?
Ang numerong 224 ay parehong pina-tattoo nina Philmar Alipayo at ng malapit niyang kaibigang babaeng dayuhan na si Ms Pernilla S. Joo sa mga braso nila, base sa larawang Ipinost sa Instagram ng huli.
Ang caption pa ng girl sa larawan naman nila ay, “224 2Today, 2Tomorrow, 4Forever (emoji infinity). More than a decade of being my Lil’Bro, and one of my greatest blessings.”
Base sa post ni Pernilla ay nakatira na siya sa Siargao noon pang 2013 at taga-United Kingdom siya at mahilig din siya sa sports.
Makikita pa nga sa mga larawang ibinandera niya sa kanyang IG ay isa siyang runner at umaakyat ng bundok.
Baka Bet Mo: Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France
Kung 2013 pa si Pernilla naka-base sa Siargao ay mas nauna niyang nakilala si Philmar dahil 2018 nagkakilala naman sina Andi Eigenmann at ang kilalang surfer ng Siargao.
Prior to that ay naka-base na rin si Andi sa Siargao taong 2017 dahil doon niya napiling magtayo ng sariling bahay para kapag gusto niyang magbakasyon every after work sa showbiz hanggang sa nagkakilala na nga sila ni Philmar.
Taong 2020 naman ay inanunsyo nina Philmar at Andi na engaged na silang dalawa pero taong 2024 ay may inilabas ng video ang dating aktres na may kasamang ibang babae -tatay ng dalawang anak pero hindi niya ginawang big deal at ang sabi lang niya ay pwede namang lumabas ang fiancé niya na iba ang kasama.
Marahil ay napapadalas na nga ang pagsasama nina Philmar at ng kaibigang dayuhan na si Pernilla since pareho silang into sports at may mga nakita rin kaming video na nagwo-work out sila kasama ang ibang kaibigan.
At ang pagpapalagay ng identical tattoo ang hindi na pinalampas ni Andi.
Kaya may post siyang artcard ng isang makulay na ahas, “I just found out it’s the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
Samantala, tinalakan ng ilang netizens si Philmar dahil bakit kailangan nitong magpalagay ng identical tattoo na hindi naman niya kaanu-ano.
May pahiwatig din si Philmar na hiwalay na sila ni Andi.
Anyway, heto ang nabasa naming reaksyon ng netizen sa socmed:
“Andi and Philmar NO MORE.”
“Matchy tats with other girl instead of your wife is a BIG NO! How hurtful it is for Andy [broken heart emoji]”
“If you have a girl or a wife, respect your relationship. Getting matching tattoos with another girl or having a ‘girl best friend’ when you’re already committed can cross the line.”
“Your girl should be your best friend. The one you talk to, laugh with, and grow with.”
“Secret conversations, hiding messages, or giving someone else the attention that should be hers… those are micro-cheating.”
“Loyalty isn’t just about not cheating. It’s about making sure your girl never has to question her place in your life.”
“She gave up everything just to be with you for a lifetime. I’m sure her mother Jacklyn (Jose – SLN) would felt the same too.”
“That’s why there’s a saying that “your boyfriend’s or girlfriend’s friend isn’t really your friend.”
“Their friendship weird na parang nasobrahan. Every time the girl post stories before like years ago, I am not convinced that they are just friends.”
May ibang nakapansin na rin pala sa closeness nina Philmar at Pernilla base sa komento sa IG post ng huli:
“Ayoko sana mag malisya noh pero ako nga pansin ko na ‘tung friendship nila noon pa. Sabi ko pa sa sarili ko buti pa si Andi di selosa pero hahaa ewan.”
“Lil bro pero matching tattoo? Kami nga ng kapatid ko walang ganyan! HAHAHA wala kayong maloloko dito HAHAHA.”
“JUSKO PHILMAR ANG PANGET MO NA NGA D KA PA BUMAWI SA UGALI PARANG TAE KA LNG SA PANINGIN NG MGA EIGENMANN SA TOTOO LNG.”
“Just another story of “The girl he told you not to worry about” been following them for a while, and their relationship is surely weird.”
“Mukhang tama ako sa feelings ko sa dalawa palagi kasi sila nagpapalitan nang sweet messages sa mga stories nila. Hindi na ako naniniwala sa kanta ni Andrew E (Humanak pa ng Panget).”
“We shouldn’t give our female/male best friends the same access or the same level of treatment as our romantic partners. Maintain appropriate boundaries.”
Bukas ang BANDERA sa panig nina Philmar at Pernilla tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.