Philmar Alipayo tuloy ang pamamahagi ng tulong sa Siargao ngayong 2022 | Bandera

Philmar Alipayo tuloy ang pamamahagi ng tulong sa Siargao ngayong 2022

Therese Arceo |January 04,2022
facebook
share this

Philmar Alipayo tuloy ang pamamahagi ng tulong sa Siargao ngayong 2022

Therese Arceo - January 04, 2022 - 05:26 PM

Philmar Alipayo tuloy ang pamamahagi ng tulong sa Siargao ngayong 2022

SA pagpasok ng bagong taon ay tuloy naman ang pagtulong ng fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Philmar ang ilang mga larawan ng kanilang pamamahagi ng tulong para sa mga residente ng Siargao Island.

“Our mission is to extend help to the people who are living in the mountain areas, and other areas that don’t have cemented roads,” saad ni Philmar.

Marami namang netizens ang humanga sa dedikasyon ng surfer at fiance ni Andi na tumulong at abutin ang mga tagong lugar sa kanilang isla.

May ilan ring nagpaalala kay Philmar at sa kanyang grupo na mag-ingat at huwag kalimutang magsuot ng protection gears gaya ng helmet lalo na at mga bundok ang kanilang destinasyon.

“What an amazing thing to do. You are doing such amazing job! Keep it up!” comment ng isang netizen.

“Salute to you and your team. I’m sure @andieigengirl is proud of you! Keep it up, stay safe and God bless,” saad naman ng isa pang netizen.

Hirit pa ng isang netizen, “God bless you more Philmar! Always an inspiration.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Matatandaang matapos masalanta ng bagyong Odette ang Siargao ay agad na bumalik si Philmar para i-check ang sitwasyon ng mga kamag-anak at kaibigan na naapektuhan ng bagyo.

May mga akusasyon pa ngang nagnakaw raw ng mga donasyon ang Filipino surfer na agad namang inalmahan ni Andi.

Ani Andi, “It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored hos chance to use his platform to ask for them, since he’s willing to use his own money just to help our community out.”

Sa kabila ng kontrobersya ay marami pa ring mga netizens ang pumanig sa kampo nina Philmar dahil alam nila na wala itong ibang hangad kundi ang tumulong sa mga kababayan niya sa Siargao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay nangangailangan pa rin ng tulong ang mga residente ng Siargao dahil labis na pinsala ang iniwan ng bagyo sa lugar pero dahil sa mga taong patuloy na tumutulong tulad nina Philmar, Nadine Lustre, at iba pa ay unti-unti na rin itong nakakaahon.

Related Chika:
Philmar miss na miss na sina Andi at mga anak: See you soon!
Philmar inakusahang nagnakaw ng donasyon para sa Siargao, Andi nag-react: He’s willing to use his own money just to help our community out

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending