Andi, Philmar sabay nagpa-tattoo, pang-urot kay Pernilla Sjoo?
MAGKASABAY na nagpa-tattoo ang engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos masangkot sa cheating scandal kamakailan.
Napanood namin ang video ng live-in partners kung saan makikita nga pagpapalagay nila ng tattoo sa kanilang mga braso.
In-upload ang naturang video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio na matatagpuan sa isla ng Siargao kung saan naka-base sina Andi at Philmar.
Kasama rin ng magdyowa sa tattoo studio ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa na mukhang nag-enjoy naman sa kanilang bonding session.
“Another tattoo sessions with the power couple @andieigengirl & @chepoxz we couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa” ang nakalagay sa caption ng naturang IG post.
Hindi lang namin sure kung “couple tattoo” ang ipinagawa ng engaged couple dahil hindi ito ipinakita sa video.
Pero sa unang bahagi ng IG reel ay makikita ang image ng dalawang tila dahon na ipini-print ng isang staff na nasabing tattoo studio.
Kung matatandaan, ibinuking ni Andi ang pagpapa-twinning tattoo ni Philmar sa kaibigan nitong babaeng photogapher na si Pernilla Sjoö sa kanilang mga braso ng “224”, na ang ibig sabihin ay “today, tomorrow, forever.”
Matinding pamba-bash ang inabot ni Pernilla sa netizens at tinawag pa siyang “ahas” at “mang-aagaw.”
May mga nagsabi na mabuti na lang at agad naayos ni Philmar ang problema nila ni Andi at hindi tuluyang nawasak ang kanilang pagsasama.
At maswerte rin daw ang surfer instructor dahil love na love siya ni Andi at pumayag agad itong makipagbalikan at kalimutan na lamang ang mga nangyari.
Komento naman ng ilang netizens, parang pang-asar daw nina Andi at Philmar kay Pernilla ang kanilang pagpapa-tattoo kaya pumayag silang isapubliko ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.