Rendon Labador tumiklop, humingi ng sorry kina Vice Ganda, Michael V, at iba pang binatikos online | Bandera

Rendon Labador tumiklop, humingi ng sorry kina Vice Ganda, Michael V, at iba pang binatikos online

Therese Arceo |September 30,2023
facebook
share this

Rendon Labador tumiklop, humingi ng sorry kina Vice Ganda, Michael V, at iba pang binatikos online

Therese Arceo - September 30, 2023 - 07:26 PM

Rendon Labador tumiklop, humingi ng sorry kina Vice Ganda, Michael V, at iba pang binatikos online

NAG-SORRY ang kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador sa mga artistang kanyang sinita sa social media.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube vlog ng huli, inisa-isa nilang pinag-usapan ang mga celebrity na binatikos nito online.

Dinipensahan ni Rendon ang sarili kung bakit niya pinupuna ang mga nakikita niyang mali at naging tungkulin na niya ang paninita sa mga kilalang personalidad na diumano’y daan para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Ilan sa mga ito ay sina Vice Ganda, Ion Perez, Coco Martin, Michael V., Andrea Brillantes, at Mimiyuuuh,

“Hindi ko nga rin alam e. Minsan hindi ko na rin alam kung ako na ‘yung mali… pero kasi alam ko kasing malinis ‘yung intensyon ko kaya hindi rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, maintindihan rin nila ako, sey ni Rendon.

Aniya, kahit papaano naman daw ay may mga taong sumusuporta at nagpapadala ng mensahe sa kanya na talagang naa-appreciate niya lalo na ang mga negatibong komento.

Baka Bet Mo: Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mas gusto ko ‘yung negative e. Kasi minsan ‘yung mga taong galit sa ‘yo, sila ‘yung talagang nagsasabi ng totoo,” sabi pa ni Rendon.

Matapos nito ay humingi ng sorry ang self-proclaimed motivational speaker sa mga taong binatikos at pinuna niya sa social media at sinabing wal naman daw siyang masamang intensyon sa mga ito.

“I’m apologizing,” panimula ni Rendon.

Pagpapatuloy niya, “I’m trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Iyon din naman yung regret ko talaga. I’m trying to be better.”

Muli niyang iginiit na wala siyang masamang intensyon sa mga ito at hindi niya dini-discredit ang mga ito.

“So kung nasaktan ko man kayo, kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V. I’m apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit. I’m thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas,” sey pa ni Rendon.

Aware naman nang lahat na minsan na niyang na-shout out ang magaling na komedyanteng si Michael V. at sinabing laos na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kinalampag rin niya noon ang MTRCB ukol sa diumano’y malaswang pagkain raw ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng “It’s Showtime” na “Isip Bata”.

Related Chika:
Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending