Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa body shamers: 'May kalakihan siya, oo, pero sapat bang tawaging mukha na siyang nanay?' | Bandera

Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa body shamers: ‘May kalakihan siya, oo, pero sapat bang tawaging mukha na siyang nanay?’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 07:24 AM

Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa body shamers: 'May kalakihan siya, oo, pero sapat bang tawaging mukha na siyang nanay?'

KC Concepcion at Cristy Fermin

IPINAGTANGGOL ng veteran showbiz columnist at online-radio host na si Cristy Fermin si KC Concepcion mula sa mga body shamers.

Hindi nagustuhan ni Tita Cristy ang mga panlalait at pang-ookray ng mga laiterang bashers sa anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Grabe naman kasing  makapamintas ang mga netizens kay KC na nagsabing mukha na raw itong nanay kahit wala pa itong asawa sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


Sabi ni Nanay Cristy, huwag na raw asahan ng madlang pipol na papayat nang bonggang-bongga si KC dahil “big bone” talaga ang katawan nito.

Baka Bet Mo: Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Nagetsing at namana raw kasi ni KC ang genes ng kanyang nanay na si Sharon, sey pa ni Nanay Cristy sa isang vlog na mapapanood sa YouTube channel na “Showbiz Now Na.”

“May kalakihan siya, oo. May kalaparan. Pero sapat ba namang tawagin siyang mukha nang nanay?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


“Eh, napakagandang nanay nito. Hindi naman po talaga siya puwedeng pumayat na puwedeng pang-Vivamax dahil big bone po sila.

“Malalaki ang buto nila kaya hindi talaga papayat nang husto. Isa pa, mayroon siyang PCOS (polycystic ovary syndrome),” pagtatanggol pa ni Nanay Cristy sa dalaga.

“Intindihin po natin na hindi naman po simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion.

“Kung siya po ay mukhang nanay, aba, gusto na lang maging anak niya dahil pagkaganda-gandang nanay, ‘di ba naman?” dagdag pang pahayag ng veteran entertainment columnist.

Super agreen naman ang mga co-hosts ni Nanay Cristy na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa nasabing vlog.

Base sa mga nabasa naming comments sa social media, maraming sumang-ayon kay Nanay Cristy sa pagdepensa niya kay KC at sinabihan pa ang mga body shamers na inggit lang sila sa dalaga na super happy ngayon sa kanyang personal life dahil balita ngang may bago na itong boyfriend.

Kakai sa body shamers: Try n’yong ‘wag pakialaman ang buhay ng mga hindi n’yo naman pinapalamon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending