Kakai sa body shamers: Try n'yong 'wag pakialaman ang buhay ng mga hindi n'yo naman pinapalamon | Bandera

Kakai sa body shamers: Try n’yong ‘wag pakialaman ang buhay ng mga hindi n’yo naman pinapalamon

Ervin Santiago |April 13,2022
facebook
share this

Kakai sa body shamers: Try n’yong ‘wag pakialaman ang buhay ng mga hindi n’yo naman pinapalamon

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 11:32 AM

Kakai Bautista

TINALAKAN na naman ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista ang mga laiterang netizens na nang-okray sa kanyang swimsuit photo sa social media.

Haggang ngayon ay patuloy na nakakatanggap ng malilisyosong comments mula sa mga body shamers kapag nagpo-post siya ng sexy photos sa Facebook at Instagram.

Noong April 5, nagbahagi ang komedyana sa kanyang official Facebook account ng isang TikTok video kung saan makikita siyang super dance sa beach.

Nakasuot ang dalaga ng two-piece bikini na kulay violet at ang tanging caption na isinulat niya rito ay, “Hello.” Maraming nagkomento sa litrato ni Kakai at ilan sa mga ito ay nagsabing bilib sila sa katapangan ng komedyana sa pagpapakita ng kanyang katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


Last Monday, April 11, may bagong hugot ang aktres na ipinost niya sa  kanyang FB. Aniya, marami raw kasing nasasagwaan sa bago niyang TikTok video.

Ani Kakai, “Nakakatawa yung mga nagko-comment na halos ka-age ko. Or mas matanda ng konti sa akin.

“Mga marites, Oi wag nyo ISISI sa akin ang mga BAGAY na hindi nyo KAYANG GAWIN in PUBLIC.

“Watch nalang. Kung ayaw, wag kayo dito. Simplehan naten ang buhay. Kung gusto, salamat (heart emoji).”

Payo pa ng dalaga sa bashers, huwag na lang makialam sa buhay ng ibang tao dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa mga ito.

Hirit ni Kakai, “Try nyong wag pakialaman ang buhay ng mga hindi nyo naman pinapalamon, MAS SASAYA ang mga buhay nyo. Walang nagtatagumpay na nega ang pagiging inggitera. Maniwala kayo sa akin (laughing emoji).

“Enjoy lang ang buhay! Pa end of the world na ganyan pa din ang mga ugali,” diin pa ng Kapuso actress.

Isa si Kakai sa mga celebrities na palaging nilalait ng haters sa socmed lalo na kapag nagpo-post na siya ng mga swimsuit o bikini photos.

Resbak ni Kakai sa mga ito, “I have come across so many Body shamers this past few days!

“And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I LOVE TO EAT. And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy,” sey pa ng dalaga na regular na napapanood sa Kapuso primetime series na “First Lady” na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Payo kay Kakai: Ipagawa mo ang ipin mo, may potential kang maging sikat na singer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending