Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko! Bandera

Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Ervin Santiago |June 10,2021
share this

Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Ervin Santiago June 10,2021 - 09:18 AM

“SUNOG na sunog” kay Kakai Bautista ang mga laiterang body shamers na nanglait sa bago niyang post sa Instagram.

Sa isang TikTok video na ibinandera ni Kakai sa social media, mapapanood ang Kapuso comedienne at singer na nagsasayaw.

Dahil dito, marami ang nang-okray sa kanya, partikular na sa kanyang katawan. Mismong ang komedyana pa ang nagsabi na halos araw-araw ay nakakatanggap siya ng bastos at masasakit na salita hinggil sa kanyang katawan at hitsura.

“I have come across so many Body shamers this past few days! And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives,” simulang pagtatanggol ni Kakai sa sarili.

“I LOVE TO EAT. And….pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy,” aniya pa patungkol sa kanyang itsura.

Naniniwala rin siya na kahit ano pang kulay ng balat, buhok at itsura ng mukha ng isang tao ay may  taglay pa rin itong ganda, kahit ano pa ang sabihin ng mga bashers at haters.

“Black, Brown, Morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall. REAL TALK. Ang dami kong kilala payat na maysaket.

“And it’s not good. I will never be happy with that.

“Ang dami ko ding kaibigan na Morena na haaaaay ang solid ng gandaaaa.

“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours.

“SORRY kung ikakalungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko.

“AND I AM ENJOYING every bit of What I am now and every second of my Life,” ang panunupalpal pa ni Kakai sa mga nanglalait sa kanya.

Pahabol pa niyang paalala sa lahat ng netizens na walang ginawa sa buhay kundi ang mangnega ng kapwa, “Iksi ng buhay, wag mong pakiaalam ang buhay ng iba.

“Pakiaalaman mo yung sayo. Gawing mong Maganda, masaya at kapaki-pakinabang!” diin pa ni Kakai gamit ang mga hashtag na #NoToBodyShaming at #Confidenceispower.

Todo naman ang pagsuporta at pagtatanggol kay Kakai ng kanyang fans at mga kaibigang celebrities kabilang na riyan ang isa pang biktima ng body shaming sa socmed na si Kris Bernal.
“Word! The problem of body shaming and body obsession has got to stop.

“YOU DO YOU, mars! It’s important to see the good in ourselves so we can see the good in others!! I admire your confidence, attitude, and you’re nailing it! Always slayin,’” sey ni Kris.

May bwelta rin ang kaibigan ni Kakai at co-star niya sa “First Yaya” na si Sanya Lopez, “Lahat tayo may kanya kanyang ganda! Pero ang mahalaga yung ganda ng kalooban.. and you are beautiful inside and out tyang.”

Sagot naman sa kanya ni Kakai, “@sanyalopez KAW DIN!! Alam na alam ko yan!!! Love u melodeaaaaaaarrrr!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending