Naniniwala ka ba sa bisa ng feng shui tuwing CNY

Naniniwala ka ba sa bisa ng feng shui tuwing CNY…7 celebs may patotoo!

Ervin Santiago - February 06, 2024 - 11:40 PM

Naniniwala ka ba sa bisa ng feng shui tuwing CNY...7 celebs may patotoo!

Kim Chiu at Ken Chan

SIGURADONG marami na namang mga kababayan natin ang aligaga ngayong malapit na ang selebrasyon ng Chinese New Year, ang Year of the Wood Dragon.

At sure na sure kami na bentang-benta na naman ngayon ang “feng shui”, lalung-lalo na sa mga kababayan nating Pinoy na may lahing Chinese.

Sa mga hindi pa masyadong aware, basically, ang “feng shui” o “wind-water” ay tungkol sa placement o paglulugar ng mga bagay para maging maayos ang daloy ng enerhiya sa isang lugar.

Sa isang video interview na napanood namin, nabanggit ng feng shui expert na si Johnson Chua kung ano ang ibig sabihin ng lumang kaugaliang ito ng mga Chinese.

Baka Bet Mo: Regine ayaw isuko ang pangarap na maging ‘boldstar’: Good luck na lang sa inyo!

“Feng-shui is everything about practicality,” aniya.

Naibahagi rin ni Johnson na ang palay at asin ay mahahalagang gamit sa feng shui dahil sumisimbulo raw ito ng “earth” at “water.”

At knows n’yo ba na may tatlong uri ng “luck” sa pagnenegosyo pagdating sa usaping feng shui – ang “heaven luck,” “earth luck” at “man luck.”

Placement o environment ang meaning ng “earth luck” — mas malakas daw ang chance na lumaki ang pera ng isang magtatayo ng business kung maganda ang flow ng energy ng kanyang lugar.

Sa “man luck” naman, mahalaga ang diskarte ng isang negosyante kung paano palalaguin ang kanyang puhunan. Dito na papasok ang “personal reading” para malaman kung saan malakas ang isang tao.

Ang “heaven luck” naman ay ang ating “destiny”. Chinese call it Heaven Luck or Heavenly Chi. It starts when we were born at wala raw tayong control dito.

Narito ang ilang celebrities na naniwala at yung patuloy na naniniwala sa bisa ng feng shui.

Kris Aquino

KRIS AQUINO

Kung may isang Pinoy celebrity na talagang matindi ang paniniwala sa feng shui, yan ay walang iba kundi ang Queen of All Media.

Noong kasagsagan ng movie at TV career ni Kris, palagi niyang naikukuwento ang pagkonsulta sa mga feng shui expert para sa pag-aayos ng kanyang bahay at sa tamang schedule at venue ng kanyang contract signings.

Bukod dito, nagpa-feng shui din daw siya nang tumakbo ang yumaong kapatid na si Noynoy Aquino bilang pangulo ng Pilipinas.

“Importante talaga ang time of birth (para sa destiny analysis). Super hinanap namin talaga ang birth certificate ni P-Noy kasi wala, my mom had just died. Nobody could remember kung anong oras siya pinanganak.

“But it was so important to find out what time, because that would signify which day to announce kung kailan siya tatakbo, the time he should fill up. So thank God, nahagilap sa Manila. Kaya yun ang dahilan, ‘yun, nanalo,” pahayag ni Kris sa isang TV interview.

Sherilyn Reyes

SHERILYN REYES

Umalis noon sa kanilang tirahan ang pamilya ni Sherilyn matapos itong mabisita ng feng shui expert. Sabi raw sa kanila, “Umalis na kayo dito, walang remedyo talaga.”

“Parang hindi kami umaangat. Financially, nandito lang kami. Walang improvement. Saka may mumu sa unit namin. May mga nakikita si Paoie (Ryle Santiago) du’n,” ang sabi ni Sherilyn.

Sa nilipatan nilang bagong bahay, inamin ng aktres na, “Medyo napamahal pero maganda naman ‘yung kinalabasan.

Ken Chan

KEN CHAN

Tradisyon na ng pamilya ni Ken Chan ang pagse-celebrate ng Chinese New Year at talagang may mga sinusunod silang pamahiin pag sumasapit na ang Bagong Taon ng mga Tsino.

Bago mag-Chinese New Year, may feng shui expert na bumibisita sa bahay nila para alamin kung may dapat baguhin o ayusin dito. Lagi rin silang nag-aalay na tinatawag sa Chinese na Haha Popi.

“Nag-aalay kami ng food at dapat kumpleto, may pork, beef, fish, may chicken, fruits, at vegetables,” ani Ken.

 

Edgar Allan Guzman

EDGAR ALLAN GUZMAN

May lahing Chinese rin ang Kapuso actor na si Edgar at taun-taon din nilang isine-celebrate ang Lunar New Year at isa sa mga patuloy nilang pina-practice sa pamilya ay ang pagkain ng tikoy.

“Kasi may lahi akong Chinese, sa father’s side. Hindi lang yung tradition na bibili lang kami ng tikoy, kakain din kami sa bahay. Nagreregalo din kami ng mga tikoy,” kuwento ni EA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ruffa Gutierrez

RUFFA GUTIERREZ

Hindi masyadong naniniwala si Ruffa noon sa feng shui dahil mas pinakikinggan niya ang dikta ng puso at isip kapag gumagawa siya ng desisyon sa personal life and career.

“I wasn’t really a big fan of feng shui. I would usually just follow my instinct. But then I met Marites Allen (feng shui master) and it was destiny and now I truly follow the Almanac and Marites’ guidance at some of my contract signings and choices of our home layout before and after their contruction,” sey ni Ruffa sa isang interview.

“And of course everything is from God, but I also believe that it helps. It creates positive energy so walang mawawala kaya sinusundan ko naman,” aniya pa.

Luis Manzano

LUIS MANZANO

Alam n’yo ba na may pagkakataon na iniiba-iba ni Luis ang ayos ng kanyang bahay? At madalas nga siyang kumonsulta sa feng shui expert na si Marites Allen kapag bibili o magpapalit ng kagamitan?

“She made me understand feng shui better and it was also an honor to have her in my home to inspect and tell me what kind of flow or luck my first house may bring. I never fail to check her book if the next month will be good or not so good, so I can plan everything I have to do in advance.”

Kim Chiu

KIM CHIU

Bilang isang Filipino-Chinese, talagang pina-follow ni Kim ang mga kinagisnan nilang tradisyon tuwing Chinese New Year. Sa katunayan, taun-taon siyang kumukonsulta sa feng shui experts para malaman ang magiging takbo ng kanyang personal life and career sa bagong taon.

Ilan sa mga ginagawa niyang preparation sa pagsapit ng CNY ay ang paglalagay ng prosperity basket sa bahay, na sumisimbolo sa wealth and prosperity partikular na ang patuloy na pagdaloy ng pera.

Meron din siyang wishing papers at iba’t ibang feng shui enhancers for luck and prosperity kasabay ng pagsisindi ng sandalwood incense.
“Lagi kaming may ganito sa bahay talaga Hindi ito nawawala pag Chinese New Year, ang wishing paper! Every year, proven and tested, lahat ng pumupunta sa bahay namin nagsusulat kami dito and imposibleng wala sa mga sinulat nila na hindi nagkatotoo.

“Ako meron akong sinulat, nagkatotoo talaga. Nakabili ako ng vacation house. Yearly ko siyang sinusulat dito sa wishing paper and then pag hindi siguro para sa ‘yo or hindi pa,” pahayag ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending