Regine ayaw isuko ang pangarap na maging 'boldstar': Good luck na lang sa inyo! | Bandera

Regine ayaw isuko ang pangarap na maging ‘boldstar’: Good luck na lang sa inyo!

Ervin Santiago |February 24,2022
facebook
share this

Regine ayaw isuko ang pangarap na maging ‘boldstar’: Good luck na lang sa inyo!

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 12:40 PM

Regine Velasquez

“WATCH out for my sexy projects ha, good luck na lang sa inyo!”

Ito ang nakakalokang hirit ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos pumirma ng bagong exclusive contract sa ABS-CBN.

Na-witness namin nang personal ang contract signing ng OPM icon kahapon na ginanap sa Studio 10 ng Kapamilya Network kasabay ng announcement ng mga bonggang projects ng Star Magic para sa kanilang 30th anniversary na may temang “Kapamilya Strong.”

Nakachikahan namin sandali at iba pang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Regine at in fairness, talagang payat na uli siya kaya naman ang birong tanong sa kanya ay kung matutuloy na ang pagsabak siya sa mga sexy roles.

Matagal na kasing sinasabi ng actress-singer na pangarap talaga niyang maging bold star pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutupad.

“Susuportahan n’yo ko? Go! Ha-hahahaha!” sagot ni Regine. At sa sundot na tanong kung may limitation ba ang pagpapa-sexy niya, diretsahan at walang kagatul-gatol na sagot ng Songbird, “Waley! Ha-hahahaha!” 

Nag-tweet din ang misis ni Ogie Alcasid pagkatapos niyang pumirma ng kontara kung ano ang mga bagong aabangan sa kanya bilang Kapamilya this year.

Aniya, dapat daw abangan ang mga sexy projects niya sa ABS-CBN, “Happy to be a #KAPAMILYA watch out for my sexy projects ha good luck na lang sa inyo.”

View this post on Instagram

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Actually, ito rin ang natatawang sinabi ni Regine noong una siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN last October, 2018. Talagang sinabi niya kay ABS-CBN President Carlo Katigbak na sana’y matupad na ang kanyang ultimate dream na maging sexy star.

“I’m hoping someday mabigyan din nila ako ng pagkakataong maging sexy star. It’s my dream,” ang humahalakhak na hirit ng nag-iisang Songbird.

Samantala, nabanggit din ni Regine sa naganap na Kapamilya Strong 2022 event na looking forward siyang makatrabaho very soon sa isang concert ang Broadway Diva na si Lea Salonga. 

Naniniwala siya na tanging ang ABS-CBN lamang ang kayang  makagawa nito at sigurado raw na matutuwa ang ang kanilang mga tagasuporta kapag nangyari ito.

Ibinalita rin niya na tuloy na tuloy na this year ang concert tour nila ni Megastar Sharon Cuneta sa Amerika. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa “ASAP Natin To” every Sunday ay napapanood din ang Songbird bilang co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay” bilang pansamantalang kapalit ni Karla Estrada dahil sa pagsabak nito sa politika. 

Regine proud na proud sa pagiging ‘Marites’, nadismaya nang hindi nakapasok sa Top 10 ‘tsismosa’

Bea kumpirmadong Kapuso na, pumirma na ng kontrata sa GMA 7

#SanaAll: Regine niregaluhan ng bonggang diamond ring si KZ Tandingan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending